in

Paulo Avelino, Gustong Bisitahin Ang Anak Sa Amerika

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang ibang hangad ang isang mabuting ama kundi ang mapabuti ang kalagayan ng kaniyang anak. Isa nga ito sa mga dahilan kung bakit ganoon nalang ang sipag nila sa trabaho. Samantala, kahit mahirap ay sinisikap rin nilang maging magandang huwaran sa mga bata habang lumalaki at nagkakaisip ang mga ito.

Source: Facebook

Kaya naman ang aktor na si Paulo Avelino ay gustong-gustong makita ang anak niya sa aktres na si LJ Reyes. Nag-migrate na kasi ang mag-ina sa Amerika at doon na titira kasama ang pamilya ng aktres. Mayroon din namang komunikasyon ang mag-ama ngunit dahil nga magkaiba ang oras ng Pinas at Amerika ay medyo nahihirapan silang makapag-usap ng madalas.

Source: Facebook

Samantala, gumagawa rin ng paraan ang aktor para magkaroon sila ng bonding at quality time ng anak na si Aki. Madalas nga nilang gawin ay ang paglalaro ng online games at isa ito sa mga napagkakasunduan nilang pampalipas oras.

“Usually ang bonding namin parang gaming rin talaga. Kumbaga, parang mahilig din sa games yung anak ko. Siguro nagmana sa tatay.”, pabirong kwento ni Paulo.

Source: Facebook

Sa mga susunod na linggo ay pupuntang Amerika ang aktor para sa trabaho at gusto niyang masulit ang pagkakataon habang nandoon siya sa abroad. Kaya naman una pa lang ay nagsabi na siya kay LJ at nagpaalam kung pwede niyang makita at makasama ang anak.

“Excited na excited na rin akong
makausap ang anak ko kasi nag-i-school na rin do’n and everything”, dagdag pa nito.

Source: Facebook

Agad namang pumayag ang aktres at wala itong ibang gusto kundi maibigay ang kaligayahan ng kaniyang panganay na anak. Alam din ni LJ na magandang bagay ang madalas na pag-uusap ng mag-ama lalo na at nagbibinata na rin kaniyang anak.

Source: Facebook

Kasama si Paulo, pati na rin ang aktres na si Janine Gutierrez sa ginawang concert ng singer na si Ogie Alcasid. Ito ay ang OA Sa Love na ginanap sa Alex Theatre sa Glendale, California noong nakaraang March 26, 2022.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingan Ang Napakagandang Glow-up Transformation Ng Childstar Noon Na Si Isabel Frial

“Sample Princess” Nina Jhong Hilario at Maia Azores Nag-Celebrate Ng Kaniyang 1st Birthday!