in

PBA Player Na Si Jeron Teng Nagpropose Na Sa Kaniyang Longtime Girlfriend!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Halos karamihan sa ating mga kababayan ay talaga namang nahihilig sa panonood ng basketball lalo na at inaabangan nila ang magagandang laro at panalo ng kanilang iniidolong player. Sa katunayan updated sila sa bawat galaw at mga pangyayari sa loob ng court at ang ilan nga ay ginagaya pa ang mga signature moves ng mga batikang manlalaro.

Source: Google

Samantala, isang hindi inaasahan at nakakakilig na moment naman ang nangyari sa loob ng basketball court matapos magdesisyon ang PBA player na si Jeron Teng na dito niya gagawin ang proposal para sa kaniyang longtime girlfriend na si Jeanine Tsoi.

Source: Google

Ngayong buwan ng Marso nangyari ang nasabing proposol at mas naging espesyal pa ito sa manlalaro dahil nag-propose siya sa kasintahan sa mismong araw ng kaniyang kaarawan!

Source: Google

Nangyari ang nasabing event sa FilOil Flying V Centre sa lungsod ng San Juan at ang regular na basketball court ay nag-transform sa isang mala-fairytale na lugar. Punong-puno ito ng mga bulaklak at pa-ilaw na talaga namang napaka-romantic ang dating.

Source: Google

Samantala, makikita sa ibinahaging official photo ng My Metro Photo sa kanilang Instagram account ang litrato mula sa naganap na engagement noong Lunes, ika-21 ng Marso. Kitang-kita dito ang saya sa mukha ng dalawa at simple lang ang suot ng dating De La Salle University player. Sa katunayan, ginamit niya sa proposal ang jersey niya noong naglalaro pa siya para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) habang nag-aaral sa nasabing unibersidad.

Source: Google

Very memorable ang jersey para kay Jeron dahil noong mga panahon na ‘yun ay madalas niyang nakikita at nakakasama si Jeanine kahit hindi pa sila magkasintahan dahil nagsisilbi itong courtside reporter.

Marami nga ang namangha sa naging proposal ng PBA player at sunod-sunod ang magagandang mensahe at pagbati na natanggap nila mula sa kanilang mga kaibigan at mga netizens.

Source: Google

Sa ngayon ay wala pang ibinahaging detalye si Jeron patungkol sa kanilang wedding at ang gusto ng dalawa ay ma-enjoy muna ang kanilang engagement.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Let’s Get Organized” Bea Alonzo Ipinakita Kung Papaano Siya Mag-organize Ng Kaniyang Pantry At Freezer

Tingan Ang Napakagandang Glow-up Transformation Ng Childstar Noon Na Si Isabel Frial