in

“Let’s Get Organized” Bea Alonzo Ipinakita Kung Papaano Siya Mag-organize Ng Kaniyang Pantry At Freezer

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maganda, matalino, mabait at talaga namang magaling pagdating sa kaniyang trabaho. Ilan lang ito sa mga katangian na hinahangaan kay Bea Alonzo, ang aktres na sa loob ng mahabang panahon ay patuloy pa ring nagbibigay ng inspirasyon sa nakararami. Sa katunayan, halos lahat nga ng ginagawa niya ay talaga namang nakakapagbigay ng good vibes sa kaniyang mga fans.

Source: Bea Alonzo YouTube

Samantala, kamakailan lang ay kinailangan nitong manatili sa bahay para mag-quarantine dahil ilan sa kaniyang mga nakasalamuha ay nagp0sitibo sa kumak@lat na s@kit ngayon. At para nga hindi ma-bored at maging productive ay nagdesisyon si Bea na mag-organize ng kaniyang pantry at freezer. Ipinakita rin ng aktres ang ilan sa mga techniques na ginagawa niya para mas madali niyang mahanap ang mga gamit sa kusina.

Source: Bea Alonzo YouTube

Nag-umpisa si Bea sa paggawa ng mga labels gamit ang kaniyang bagong gadget, isang mini label printer na mula sa Epson. Dito ay isa-isa niyang nilalagay ang pangalan ng mga pagkain sa loob ng kaniyang pantry. Maliban dito ay nag-print din ang aktres ng mga expiration dates dahil gusto niyang ma-monitor kung hanggang kailan pa tatagal ang mga stocks sa loob ng kaniyang bahay.

Source: Bea Alonzo YouTube

Gumagamit si Bea ng mga glass bottles para sa kaniyang paboritong pagkain tulad nalang ng pasta, nuts at ilan pang grains na importante sa kaniyang healthy diet. Hindi rin mawawala dito ang ilang snacks and sweets na ayon sa aktres ay madalas na kainin ng kaniyang mga pinsan kapag bumibisita ito sa kaniyang bahay.

Source: Bea Alonzo YouTube

“Sa totoo lang, you can have a small pantry and be able to organize it properly. I’m telling if will make you feel good after.”, payo ng aktres sa mga netizens.

Source: Bea Alonzo YouTube

Talaga namang napaka-ganda at very organized ang pantry ni Bea Alonzo. Kahit nga mga pagkain sa loob ng kaniyang freezer ay nakaayos din ng mabuti. Dahil dito ay sunod-sunod ang mga komentong natanggap niya sa mga netizens at kahit mga kaibigan sa showbiz ay natuwa kung papaano siya maglinis ng bahay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Elisse Joson, Ibinahagi Kung Paano Kinakaya Ang Pagiging Artista, Mommy At Estudyante

PBA Player Na Si Jeron Teng Nagpropose Na Sa Kaniyang Longtime Girlfriend!