in

LoveLove

Joseph Marco, Muling Nakasama Ang Russian Girlfriend Makalipas Ang 16 Months!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Very chall€nging para sa ating lahat ang mga nagdaang buwan dahil na rin sa malawakang kr!sis at banta sa kalusugan na hinarap ng buong mundo. Marami ang naapektuhan nito tulad nalang ng trabaho, negosyo, pag-aaral at ang ilan nga ay hindi maiwasang pumasok sa isang “long distance relationship”. Isa na dito ang aktor na si Joseph Marco.

Source: Joseph Marco Instagram

Matatandaan na noong August 2020 ay opisyal niyang pinakilala sa mga netizens ang banyagang kasintahan at lubos naman itong ikinatuwa ng kaniyang mga kaibigan at fans. Ito ay walang iba kundi ang Russian beauty na si Dasha Ramanova at talaga namang nabihag niya ang puso ni Marco.

Source: Joseph Marco Instagram

Matagal ding namalagi noon ang aktor sa ibang bansa para mas lalo pang makilala ang dalaga at ang pamilya nito ngunit dahil sa mga commitments niya sa trabaho ay kinailangan na niyang bumalik agad sa Pilipinas.

Going strong ang relasyon ng dalawa kahit na LDR at mas naging chall€nging pa nga ito dahil sa sunod-sunod na l0ckd0wn. Kaya naman ayon sa aktor, 16 months din silang hindi nagkita ni Dasha kaya sobrang miss na miss na nila ang isa’t isa.

Source: Joseph Marco Instagram

Samantala, kamakailan lang ay super happy ang aktor dahil sa wakas ay makakasama na niya ulit ang kasintahan. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya ang maikling video clip kung saan makikitang sinundo niya si Dasha sa airport.

“The universe brought us back together”, caption ng actor.

Source: Joseph Marco Instagram

Marami ang naging emosyunal sa nasabing video at ramdam nga nila ang pagmamahalan ng dalawa. All-out support din kay Marco ang kaniyang mga kaibigan at masaya ang mga ito para sa kaniya.

Source: Joseph Marco Instagram

Nasa Pilipinas na ngayon si Dasha at excited na ito na muling malibot ang bansa kasama ang aktor. Wala siyang ibang gusto kundi ang magkaroon ng quality time kasama si Marco lalo na matagal-tagal rin ang panahon na inantay nila para dito. Samantala, marami naman ang nag-aabang sa magiging summer getaway ng dalawa lalo na at pareho silang mahilig sa adventures.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Erich Gonzales Ikinasal Na Sa Kaniyang Non-Showbiz Boyfriend!

Elisse Joson, Ibinahagi Kung Paano Kinakaya Ang Pagiging Artista, Mommy At Estudyante