in

LoveLove

Erich Gonzales Ikinasal Na Sa Kaniyang Non-Showbiz Boyfriend!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Natuldukan na nga ang ilang buwan na haka-haka at tanong ng mga netizens patungkol sa kumakalat na balitang ikakasal na ang aktres na si Erich Gonzales. Ang balitang ito ay maugong na pinag-usapan sa social media matapos lumabas ang ilang larawan patungkol sa “wedding banns” ng aktres at ng kaniyang hinihinalang non-showbiz boyfriend.

Source: Google

Kahapon nga March 23 ay naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa St. James the Great Parish na matatagpuan sa Alabang, Muntinlupa City. Isa itong intimate wedding at kasama sa mga dumalo ang ilan sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Sa isang Instagram story nga ng kapatid ng groom na si Andres Lorenzo ay makikitang magkatabi sina Erich at Mateo habang nakaharap sa altar.

Kapansin-pansin ang classic look na wedding gown ng aktres at hindi man ito nagpakita ng kaniyang mukha habang suot ang damit pangkasal ay maraming netizens ang nagsabi na siguradong blooming na blooming pa rin si Erich.

Source: Andre de Leon Lorenzo Instagram

Matatandaan na naging pribado ang relasyon niya sa non-showbiz at businessman boyfriend na si Mateo Lorenzo dahil mahalaga ito para sa kaniya at gusto niya itong mapangalagaan.

“I think it’s for the best. I want to protect something that is precious to me and something that is beautiful. I don’t want to ruin it so sa akin na lang ‘yun…”, sagot naman ni Erich sa komento ng isang netizen kung bakit itinago niya sa mga fans ang kaniyang relationship status.

Source: Google

Samantala, matapos lumabas ang pangalan ni Mateo sa social media ay marami na ang naging interesado sa kaniya at napag-alaman nga ng mga netizens na nagmula ito sa isang mayamang pamilya. Sa katunayan hindi lang isang negosyo ang meron sila kundi labing-walo!

Hindi rin biro ang mga achievements ni Mateo at ngayon ay katuwang siya ng kaniyang Daddy sa pamamalakad ng kanilang malawak na business. Mayaman din sina Mateo pagdating sa pamilya dahil labing-isa silang magkakapatid at ayon sa mga source, lumaki silang walang kasambahay kaya naman bata pa lang ay natuto na ng responsibidad sa buhay.

Source: Google

Sa ngayon ay super happy para kay Erich ang kaniyang mga kaibigan at taga-suporta. Wala silang ibang hangad kundi ang kasiyahan ng aktres lalo na at nahanap na niya ang kaniyang “The One”.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Baby E”, Dimples Romana, Buntis Sa Kaniyang 3rd Baby!

Joseph Marco, Muling Nakasama Ang Russian Girlfriend Makalipas Ang 16 Months!