Isa sa mga hinahangaan at talaga namang sinusubaybayan sa social media ay ang nag-iisang si Ms. Jinkee Pacquiao. Siya ang misis ng ating “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao at noon pa man ay inspirasyon na siya sa mga kababaihan.

Marami ang tuwang-tuwa kay Jinkee dahil sa angkin niyang kagandahan at taste pagdating sa fashion. Sa katunayan, kahit walang background sa showbiz ay sunod-sunod ang mga natanggap niyang offer para maging endorser ng mga kilalang brands sa ating bansa. Bagay na bagay rin kasi sa kaniya ang mga napipili niyang damit kaya naman talagang inaabangan ang kaniyang OOTD post.

Samantala, bago pa man nauso ang social media ay sikat na rin noon si Jinkee sa kanilang grupo. Paano kasi, litaw na litaw ang kaniyang ganda at agaw pansin pa ang napaka-puti niyang balat. Kahit nga hindi ganoon katangkad ay madalas siyang mapasali sa mga beauty contest!

“Wow! A blast from the past. That was me 25 years ago…”, caption niya sa kaniyang throwback photo na suot ang one piece swimsuit.

Kuha ang nasabing larawan noong sumali siya sa Miss Gensan 1996 pageant at kasama niya doon ang ilan pang mga contestant. Samantala, hindi lang ito ang naging karanasan niya sa beauty contest dahil habang nasa kolehiyo ay nabigyan din siya ng pagkakataon para sumali sa Ms. AMA Computer College.

Makikita sa larawan na suot ni Jinkee ang isang very conservative gown at mayroon pa itong korona.
Talaga namang pang beauty queen ang ganda ng misis ni Manny Pacquiao at kahit ngayon na marami na silang anak ay tila ba mas lalo pa itong gumaganda at nagiging blooming!

Marami nga ang nagsasabi na young-looking pa rin si Mommy Jinkee at pwedeng-pwede pang sumali sa mga beauty pageant.
Samantala, sa lahat ng kaniyang mga naging tagumpay sa buhay at tinatamasang karangayaan ay nanatiling mapagpakumbaba si Jinkee at ito ang bagay na talaga namang nagustugan sa kaniya ng mga tao.
Comments
Loading…