Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ngayon ng batikang aktres na si Dimples Romana. Maliban kasi sa sunod-sunod na blessing sa kaniyang showbiz career at mga endorsements ay isang malaking biyaya ang natanggap ng buo niyang pamilya.

Sa isang social media post ay unti-unting ipinapakita ng aktres sa kaniyang mga followers ang pagbabago sa kaniyang pisikal na pangangatawan at noon ngang mga nakaraang buwan ay nag-trending ito dahil sa laki ng kaniyang ipinayat. Napa-sana all nga ang mga netizens dahil kitang-kita kay Dimples ang pagiging blooming nito ay mas lalo siyang bumata tingnan dahil sa pagbabawas ng timbang.

Samanatala, marami rin ang nakapansin sa paglaki ng tyan ng aktres at nitong huli nga ay hayagan na ring ibinalita ni Dimples sa kaniyang social media post na siya ay nagdadalantao sa ikatatlong baby nila ng asawa na si Boyet Ahmee.
“My heart has never been this FULL. I am now officially a MOM of 3 unique children born from 3 different decades.”, kwento ng aktres.

Sa ngayon nga ay nasa kolehiyo na ang kaniyang panganay na babae samantalang 7-years old naman ang sumunod na lalaking anak. Dahil sa isiniwalat na balita ay nakatanggap si Dimples ng pagbati at magagandang mensahe mula sa kaniyang mga kaibigan at mga fans. Halos hindi na nga makapag-antay ang mga ito na makitang isilang ng aktres ang bata at excited kung sino ang magiging kamukha nito.

Samantala, nasa 2nd trimester na siya ng kaniyang pagbubuntis at nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi ito maselan ngunit lagi lang siyang inaantok. Ibinahagi rin ng aktres na “Baby E” ang pansamantalang tawag nila sa bata dahil sa isang nakakatuwang dahilan.
“Letters A,B,C and D kasi kami – Alonzo, Boyet, Callie and Dimples so Baby E ang tawag namin.”, kwento pa niya.

Sa ngayon ay wala pang gender reveal ang aktres ngunit sa susunod na mga linggo ay pwede na siyang sumailalim sa mga test para malaman ang kasarian ng bata at excited na siyang ibahagi ito sa kaniyang mga fans.
Ikaw ano sa tingin mo ang magiging 3rd baby ni Dimples? Is it a girl or boy?
Comments
Loading…