in

LoveLove CuteCute

Paolo Ballesteros Ginawan Ng Gown Ang Kaniyang Napaka-gandang Anak!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Paolo Ballesteros bilang isa sa magagaling na aktor sa industriya ng show business at maliban nga dito at isa rin siya sa mga host na hinahangaan ng publiko. Ngunit ang talaga namang tumatak na talento ni Paolo ay ang angking galing niya pagdating sa make-up.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Sa katunayan, nag-trending siya noon dahil sa iba’t ibang international artist na ginaya niya ang mukha sa pamamagitan lang ng make-up. Isa rin siya sa mga kinagigiliwang host sa longest running noon-time show na “Eat Bulaga”.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Samantala, maliban sa kaniyang mga achievements sa trabaho ay mas lalong naging inspirasyon si Paolo sa publiko dahil very hands-on siya sa kaniyang nag-iisang anak na babae. Matatandaan na noong 2008 ay lumabas ang balitang nagkaroon siya ng anak sa kaniyang non-showbiz at ex-girlfriend na si Kaye Nevada.

Source: Google

Sa kabila ng mga negatibong komento mula sa ibang tao ay hindi nagpatinag ang aktor at agad na pumunta ng Amerika para maipakita ang suporta sa ina ng kaniyang magiging anak.

Simula nga ng isilang si Keira Claire noong November 29,2008 ay nag-iba na ang mga priorities ni Paolo at halos lahat ng ginagawa niya ay para sa kapakanan ng anak. Lumaki ang bata sa Amerika kasama ang kaniyang ina ngunit madalas naman itong bisitahin ng aktor. Sa katunayan, talaga namang naglalaan ng oras si Paolo para makapag-bonding sila ni Keira at kamakailan nga ay kinagiliwan ng mga netizens ang ibinahagi niyang pictures online kasama ang anak.

Source: Google

“Flex ko lang my junakis and my first ever dress made gamet ang sewing machine! Hoooo hirap!!!!! Buti nalang ganda ng nagsuot.”, caption niya sa Instagram post.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Makikita sa larawan na magandang klase ng tela ang gamit ni Paolo para sa damit ng anak at ayon sa ilang source nabili pa ito ng aktor sa Japan. Bagay na bagay naman kay Keira ang naging disenyo ng damit na nagbigay sa kaniya ng simple but classy look.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Ikaw anong masasabi mo sa pinaka-unang gown na nagawa ni Paolo Ballesteros? Sa tingin mo pwede na rin siyang makagawa ng iba pang designs?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jackielou Blanco, Summer Ready At Blooming Sa Kaniyang 14-Year-Old Throwback Photo!

“Beauty Queen” Jinkee Pacquiao Nagbalik Tanaw Sa Kaniyang Karanasan Noon Sa Miss GenSan 1996!