in

Aktor Na Si Piolo Pascual, Ipinasilip Ang Mala-Mansyong Bahay Sa Amerika!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Magmula noon hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang kagwapuhan ng isa sa mga tinaguriang “heartthrob” sa showbiz industry at siya ay walang iba kundi si Piolo Pascual na kilala rin sa tawag na “Papa P”.

Halos lahat nga ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa ay kilala si Piolo at talaga namang hinahangaan hindi lang sa angkin niyang magandang mukha kundi dahil na rin sa kaniyang mabuting pag-uugali. Sa katunayan, ang katangiang ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nanatili pa rin siya sa nasabing industriya.

Source: Real Living Website

Hindi rin matatawaran ang angkin niyang talento pagdating sa pag-arte at pagkanta kaya naman sa loob ng ilang dekada ay patuloy niyang napapasaya ang mga tao na sumusubaybay sa kaniya.

Source: Real Living Website

Samantala, dahil nga sa magandang takbo ng kaniyang karera ay marami na ring na-invest si Piolo tulad nalang ng mga negosyo, bahay at sasakyan. Sa katunayan hindi lang sa Pilipinas kundi kahit sa Amerika ay nakabili din siya ng sariling house and lot.

Source: Real Living Website

Sa isang video ay ipinasilip niya sa publiko kaniyang neo-eclectic house na matatagpuan sa Las Vegas, Nevada. Ito ay mayroong sukat na 260 sq.m at talaga namang maganda ang pagkaka-disenyo dahil mayroon itong privacy at napapaligiran ng matatas na pader.

Source: Real Living Website

Nakaka-relax ang paligid ng buong bahay dahil sa mga puno na nakapaligid dito at pagpasok mo palang ay bubungad na kaagad sayo ang malawak na sala at isang napakalambot na sofa.

Source: Real Living Website

Mayroon ding iba’t ibang kwarto sa nasabing bahay dahil gusto ng aktor na ma-accommodate ang mga tao na gustong bumisita sa kaniya tulad nalang ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Source: Real Living Website

Samantala, ayon sa pahayag ng aktor, ang bahay na ito ay regalo niya talaga sa kaniyang ina dahil gusto niya na makapag-relax din ito sa ibang bansa.

Source: Real Living Website

Talaga namang certified “Mama’s Boy” si Piolo Pascual at dahil nga dito ay mas lalo pa siyang hinangaan ng mga tao.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Small But Terrible” Alamin Kung Gaano Na Kayaman Ang Aktor Na Si Dagul!

Jackielou Blanco, Summer Ready At Blooming Sa Kaniyang 14-Year-Old Throwback Photo!