in

CuteCute LoveLove OMGOMG

Janine Gutierrez, Kamukhang-kamukha Ng Kaniyang Lola Pilita Corrales!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Patuloy na umuusbong ngayon ang karera ng young actress na si Janine Gutierrez at tila ba namana niya sa kaniyang pamilya ang angking talento nito pagdating sa pag-arte. Paano naman kasi anak siya ng dating aktres na si Lotlot de Leon at aktor na si Ramon Christopher. Halos lahat nga ng angkan ng dalaga ay aktibo sa entertainment industry tulad nalang ng kaniyang lola na si Ms.Pilita Corrales.

Source: Google

Kilalang-kilala noon si Ms.Pilita dahil sa kakaiba niyang istilo sa pagkanta. Sa katunayan, kahit sa ibang bansa ay kinikilala ang angkin niyang talento at nakapag-perform na rin sa iba’t ibang entablado. Maliban dito ay hindi rin matatawaran ang kaniyang galing sa pag-arte at sa loob nga ng ilang dekada ay sinubaybayan ng publiko ang mga ginagawa niyang palabas sa telebisyon.

Source: Google

Halos marami ngang pagkakahawig ang mag-lola tulad nalang ng galing nila sa pag-arte at pagkanta. Ngunit marami ang nagulat nang ilabas sa social media ang larawan ni Ms.Pilita noong dalaga pa siya dahil hawig na hawig ito sa young actress.

Source: Janine Gutierrez Instagram

Sobrang ganda ng kaniyang mukha at talaga namang napa-wow ang mga netizens. Parang Amerikana kasi noon si Ms. Pilita Corrales at halatang mayroon silang dugong bughaw. Tulad nga ni Janine, malalim na medyo may kalakihan ang kaniyang mata at mayroong matangos na ilong. Tamang-tama lang din ang hugis ng kaniyang bibig na bumagay sa laki ng kaniyang mukha. Samantala, parehas din sila na medyo kulot ang buhok at makapal ang kilay.

Source: Janine Gutierrez Instagram

Hindi tuloy maiwasan ng marami na magsabing para silang pinagbiyak na bunga.

Source: Google

Sa ngayon ay all-out-support si Ms.Pilita sa kaniyang apo na si Janine at tuwang-tuwa nga siya dahil nakikita niya ang kaniyang sarili noong nag-uumpisa pa lang din ito sa show business. Samantala, hindi rin magpapatalo si Janine sa iba pang aktres dahil maliban sa mga lead roles na nakukuha niya ay tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang mga endorsements at iba pang projects.

Source: Janine Gutierrez Instagram

Ikaw, sa tingin mo ba magkamukha talaga sina Ms.Pilita at Janine Gutierrez?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Challenge Accepted” Marielle Padilla Nakipagpalit Ng Trabaho Sa Kanilang Kasambahay Sa Loob Ng Isang Araw!

“Small But Terrible” Alamin Kung Gaano Na Kayaman Ang Aktor Na Si Dagul!