in

“Challenge Accepted” Marielle Padilla Nakipagpalit Ng Trabaho Sa Kanilang Kasambahay Sa Loob Ng Isang Araw!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Usung-uso ngayon ang iba’t ibang challenge online na talaga namang kinagigiliwan ng marami lalo na at maganda rin itong pampalipas ng oras. Sa katunayan kahit mga celebrities ay hindi ito pinalagpas at game na game na nakipagsabayan sa mga netizens. Isa na nga dito ang celebrity-mom at host na si Marielle Padilla.

Source: Marielle Vlog

Kamakailan lang ay muli niyang pinasaya ang mga viewers sa kaniyang Youtube vlog nang tanggapin niya ang tinatawag na “switch challenge”.

Sa hamon na ito ay kailangan niyang makipagpalit ng trabaho sa kanilang kasambahay sa loob ng isang araw at gagawin niya nga ang lahat ng mga gawaing bahay. Pinalitan ni Marielle ang posisyon ng kanilang kasambahay na si Erna ang tagapagluto nila sa loob ng mahigit anim na taon.

Source: Marielle Vlog

Maliban sa paglilinis ng bahay ay ginawa rin ni Marielle ang pag-aasikaso ng pagkain at pagmamasahe sa kaniyang Madam Erna. All-out ang naging preparasyon ng aktres para sa hamong ito at nakasuot pa siya ng uniform na pang-kasambahay. To the highest level din ang ginawa niyang acting at ginaya ang mga madalas na gawin ni Erna. Tulad nalang ng biglaang pagtulog habang kumakain at pagbaba agad ng telepono habang nagsasalita pa lang ang kaniyang madam.

Source: Marielle Vlog

Naki-join na rin sa acting ang anak ni Marielle na si Isabela at napasubo nga si Erna sa pagi-english ngunit hanggang sa huli ay talaga namang nagawa niya ang kaniyang bagong role bilang “madam” sa isang araw.

Aliw na aliw nga ang mga netizens sa ibinahaging vlog ni Marielle at tuwang-tuwa silang makita na super close siya sa kaniyang mga kasambahay. Marami nga ang nagsabi na talagang napakabait ng host at marunong itong makisama sa kaniyang mga kasama sa bahay.

Source: Marielle Vlog

Samantala, aminado si Marielle na hindi biro ang mga ginagampanang trabaho ng kanilang mga kasama sa bahay kaya ganoon nalang ang respeto na ibinibigay niya sa mga ito. Sa katunayan, parang pamilya na rin ang turing niya sa kanila lalo na at matagal na rin sila sa serbisyo.

Source: Marielle Vlog

Wala ngang inuurungang challenge si Mommy Marielle kaya naman inaabangan na ng mga netizens kung ano pa ang mga susunod niyang gagawin sa kaniyang Youtube channel.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jillian Ward Trending Dahil Sa Pagbili Niya Ng Sports Car Sa Edad Na 17 Years Old!

Janine Gutierrez, Kamukhang-kamukha Ng Kaniyang Lola Pilita Corrales!