in

Carla Abellana, Ibinebenta Ang Rockwell Condo Unit Niya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa magagandang investment ay ang pagkakaroon ng mga properties na pwedeng-pwedeng parentahan o di kaya naman ay magagamit para mas lalo pang kumita ng pera. Pasok dito ang mga condo units lalo na kung malapit ito sa malls, park o mga office establishments. Sa katunayan, kahit mga celebrities at kilalang tao sa ating bansa ay ito rin ang isa sa mga pinaglalaanan nila ng pera kagaya nalang ng aktres na si Carla Abellana.

Source: Carla Abellana Instagram

Nakabili noon si Carla ng property sa The Grove by Rockwell at sa kaniyang Youtube vlog ay ibinahagi niya sa mga netizens kung papaano niya ito pinaganda mula sa isang bakanteng espasyo. Naging parang beach-vibe ang dating ng condo lalo na at blue & white ang mga ginamit niyang kulay.

Source: Carla Abellana Instagram

Very hands-on nga ang aktres sa pag-aasikaso ng kaniyang bagong investment kahit na halos kasabay nito ang wedding preparation nila ng long-time boyfriend na si Tom Rodriguez. Dahil nga dito ay tuwang-tuwa ang kaniyang mga fans dahil maliban sa kaniyang achievements in life ay ikakasal na rin siya sa wakas sa kaniyang pinakamamahal na lalaki.

Source: Carla Abellana Instagram

Ngunit kamakailan lang ay mabilis na kumalat ang balitang naghiwalay na daw silang dalawa dahil sa hindi pa matukoy na totoong dahilan. Naging tikom din ang bibig ni Carla sa isyu at kahit si Tom ay ayaw ring magsalita. Sa kabila nito, tila ba mayroong mga sensyales na hindi na maganda ang kanilang pagsasama lalo na noong nakaraan lang ay ibinalita ng aktres na ibebenta na niya ang condo unit!

Source: Carla Abellana Instagram

“My condo unit at The Grove by Rockwell is still available for sale/lease! It is now below market value!”, caption ni Carla sa IG.

Source: Carla Abellana Instagram

Kasama sa sinasabi niyang presyo ay hindi lang ang fully-furnished na condo kundi mayroon pa itong kasamang parking space. Kaya naman hindi na lugi ang bibili nito lalo na sa panahon ngayon na balik normal na ulit ang lahat.

Source: Carla Abellana Instagram

Dahil nga dito ay mas lalong naging maugong ang haka-haka ng publiko at di pa rin mawala ang tanong kung ano ba ang totoong nangyari sa kanila ni Tom matapos silang ikasal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Modern House Ni Daniel Padilla Ipinasilip Sa Publiko!

Jillian Ward Trending Dahil Sa Pagbili Niya Ng Sports Car Sa Edad Na 17 Years Old!