in

Jillian Ward Trending Dahil Sa Pagbili Niya Ng Sports Car Sa Edad Na 17 Years Old!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bata pa lang ay aliw na aliw na ang publiko sa aktres na si Jillian Ward. Paano naman kasi napaka-cute niyang tingnan at talaga namang matalino at kayang-kayang makipagsabayan sa ibang mga artista na nakakasama niya sa set.

Source: Jillian Ward Instagram

Noon pa man ay kinakitaan na nga siya ng talento pagdating sa entertainment industry kaya naman hindi nakakapagtaka na hanggang ngayon ay patuloy na umaangat ang kaniyang karera sa showbiz. Sa katunayan, isa siya sa mga Kapuso actress na talaga namang sinusubaybayan ng mga netizens.

Dahil nga dito ay sunod-sunod ang mga projects na ginawa ng dalaga at talaga namang sa lahat ng kaniyang ginagawa ay napapasaya niya ang kaniyang mga fans.

Source: Jillian Ward Instagram

Samantala, kamakailan lang ay muli na namang niyanig ni Jillian ang social media matapos nitong ibahagi sa publiko na sa wakas ay nabili na niya ang pangarap na sports car!

Ito ay isang black porsche na talaga namang very classy at nakaka-sosyal ang dating.

“My firsy sports car.”, simpleng caption ng aktres sa kaniyang Instagram photo.

Source: Jillian Ward Instagram

Hindi nga ito nakalagpas sa mapanuring mata ng mga netizens at sa katunayan ay umaabot na ng humigi’t kumulang sa 100,000 reactions at mga komento ang nasabing post.

Source: Jillian Ward Instagram

Kahit nga mga kaibigan ni Jillian sa showbiz ay napa-wow din sa bago niyang investment lalo na at 3 buwan pa lang ang nakalilipas simula nang bumili siya ng isang BMW na kotse. Ito ay regalo niya para sa sarili noong nakaraang taon at tinawag niya itong “my new baby car”.

Source: Jillian Ward Instagram

Talaga namang inspirasyon sa nakararami ang batang aktres na si Jillian Ward hindi lang dahil sa sipag nito sa pagtatrabaho kundi dahil na rin sa angkin niyang galing sa paghawak ng kaniyang mga kinikitang pera. Maliban nga sa mga nabiling sasakyan ay nakapagpatayo na rin ito ng sarili niyang bahay na hindi rin biro ang laki!

Source: Jillian Ward Instagram

Sa ngayon ay sumabak na rin ang aktres sa vlogging at dito nga ay mas lalo siyang nagiging close sa kaniyang mga fans.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Carla Abellana, Ibinebenta Ang Rockwell Condo Unit Niya

“Challenge Accepted” Marielle Padilla Nakipagpalit Ng Trabaho Sa Kanilang Kasambahay Sa Loob Ng Isang Araw!