in

Neri Naig, Isang Yate Ang Ibinigay Na Birthday Gift Para Sa Mister Na Si Chito Miranda!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Napa-sana all nalang ang mga netizens nang makita ang social media post ng wais misis na si Neri Naig. Pano naman kasi, kakaibang birthday gift ang ibinigay nito para sa mister na kamakailan lang ay nagdiwang ng kaniyang ika-47th birthday.

“Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise!”, bungad ni Neri sa kaniyang caption.

Source: Neri Naig Instagram

Kitang-kita sa kaniyang Instagram post na talaga namang very happy si Chito Miranda sa natanggap nitong regalo na isang napaka-gandang yate!

Source: Neri Naig Instagram

Ito ang naisip ng wais na misis dahil mahilig ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa pamamasyal lalo na sa dagat.

Source: Neri Naig Instagram

“Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!”,dagdag pa ni Neri.

Makikita rin sa ilan pang larawan na talaga namang very classy ang dating ng yate at sa loob nito ay mayroong mini sala, kwarto at banyo kaya naman saktong-sakto ito para sa isang family trip.

Source: Neri Naig Instagram

Samantala, aminado si Neri na maliban sa pangangailangan ng kanilang pamilya ay naisip niya rin na magandang investment ang yate dahil pwedeng-pwede nila itong pa-rentahan.
“…ipapa rent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano. hahaha! “, pabiro niyang kwento.

Matatagpuan ang nasabing yate sa Pico de Loro Beach and Country Club sa Batangas kung saan mayroon ding pagmamay-aring condo unit ang pamilya nina Neri at Chito. Tinawag nila itong “Margarita”, ang pangalan na gustong-gustong ipangalan ni Neri sa kaniyang baby kung sakali man na ito ay naging babae.

Source: Neri Naig Instagram

Matatandaan na nanganak ulit siya sa kanilang second baby ngunit ito ay isang lalaki kaya pinangalanan nalang nilang “Cash”.

Samantala, bilib na bilib ang mga netizens sa mga paraan na ginagawa ni Neri dahil maliban sa naibibigay niya ang pangangailangan ng pamilya ay nagiging isang malaking investment pa ito na nakakatulong para mas mapalago ang kanilang savings.

Source: Neri Naig Instagram

Sa ngayon ay i-enjoy muna nila ang bagong nilang property at sa huli ay nagbigay ng detalye ang wais na misis kung papaano at kailan pwedeng ma-rentahan ang nasabing yate.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Manilyn Reynes, Proud Na Ibinahagi Ang Kaniyang Upgraded At Bonggang Van!

Modern House Ni Daniel Padilla Ipinasilip Sa Publiko!