in

Modern House Ni Daniel Padilla Ipinasilip Sa Publiko!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Masarap sa pakiramdam na makita nating unti-unti ng naisasakatuparan ang ating mga pangarap sa buhay. Ito ay maaring sa larangan ng ating trabaho, sa klase ng relasyon na gusto natin o di kaya naman ay ang pagkakaroon ng mga bagay na matatawag nating sariling atin.

Isa na nga dito ang kilalang celebrity na si Daniel Padilla, para sa karamihan halos nasa kaniya na ang lahat na gusto ng isang kabataan. Maayos na pamilya, trabaho, relasyon, negosyo at ngayon ay ipinasilip niya rin sa mga netizens ang ilang parte ng kaniyang matatawag na “dream house”.

Source: Real Living

Modern-mediterranean house ang napiling design ng aktor at talaga namang maganda itong tingnan mula labas hanggang sa loob. Matatagpuan ito sa isang malawak na subdivision sa Quezon, City at mayroong sukat na 1,000 sqm. Samantala, gawa ito ng architect na si Marie-Louie Torres-de Leon.

Source: Real Living

Wood tiles ang napiling gamitin ng aktor para sa sahig ng bahay at kapansin-pansin ang pagkakaroon niya ng mga furnitures na gawa sa kahoy. Isang halimbawa na nga dito ang mga upuan at mesa na makikita sa kaniyang malawak na sala.

Source: Real Living

Samantala, ang kusina at dining area naman ay para ng isang restaurant dahil sa mga kagamitang matatagpuan dito. Mayroon din silang mini dining-area sa labas ng bahay na madalas niyang gamitin lalo na kapag gusto niyang mag-relax.

Source: Real Living

Mayroon ding iba’t ibang kwarto sa dalawang palapag na bahay ni Daniel at ang mga powder room nito ay kapansin-pansin sa kalinisan at classy look. Mayroon kasi itong magagandang tiles at exceptional chandelier.

Source: Real Living

Sa lahat ng ito ay lubos na nagpapasalamat ang aktor sa Panginoon dahil sa mga blessings na sunod-sunod niyang natanggap at sa murang edas nga ay nakapagpatayo na siya ng kaniyang dream house.

Source: Real Living
Source: Real Living

All-out-support din ang stage-mom at aktres na si Karla Padilla sa lahat ng mga ginagawa ng aktor at proud na proud siya kay Daniel dahil nakikita niyang nagiging mature na din ito at wais na sa mga ginagawang desisyon sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Neri Naig, Isang Yate Ang Ibinigay Na Birthday Gift Para Sa Mister Na Si Chito Miranda!

Carla Abellana, Ibinebenta Ang Rockwell Condo Unit Niya