in

Manilyn Reynes, Proud Na Ibinahagi Ang Kaniyang Upgraded At Bonggang Van!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos ang halos dalawang taon na pakikib@ka natin sa p@ndemiya ay unti-unti ng naibabalik sa normal ang ating buhay. Balik trabaho na rin ang karamihan sa ating mga kababayan at maging mga artista ay tuloy-tuloy na rin sa kanilang mga shooting.

Source: Manilyn Reynes Instagram

Bilang paghahanda dito, ibinahagi ng aktres na si Manilyn Reynes ang ilan sa mga ginawa niyang preparasyon para sa pagbabalik sa trabaho. Maliban sa pagsisiguro sa kaniyang kalusugan ay inihanda rin ng aktres ang kaniyang sasakyan papunta sa iba’t ibang shooting locations.

Source: Manilyn Reynes Instagram

Sa katunayan, kamakailan lang ay napa-wow ang mga netizens pati ang kaniyang mga kasama sa trabaho nang ipakita ni Manilyn ang kaniyang newly-transformed van!

Source: Manilyn Reynes Instagram

“Bago pa ang balik taping napa-interior and exterior detailing na namin ang sasakyan.”, kwento ng aktres.

Syempre hindi rin mawawala ang pag-disinfect sa buong paligid para masiguradong malinis at ligtas ito bago niya magamit sa trabaho.

Source: Manilyn Reynes Instagram

Samantala, kinagiliwan ng mga netizens ang napiling design ni Manilyn sa kaniyang all-black working van na pinagawa niya sa ER8 Auto Project. Mayroon itong tinted glasses kaya naman hindi kita ang loob kung titingin ka mula sa labas. Kapansin-pansin naman ang mga pailaw sa loob nito na ikinatuwa ng aktres dahil para sa kaniya ay nakakatulong ito para makapag-relax habang nasa mahabang byahe.

Komportable rin ang mga upuan na gawa sa leather at pwede pa itong ma-adjust para maging higaan. Maluwag rin ang loob ng sasakyan kaya naman dito na rin nagpapalit ng damit si Manilyn. Hindi rin mawawala ang TV at speaker lalo na at paborito ng aktres ang pakikinig ng music.

Source: Manilyn Reynes Instagram

Sa ngayon ay super happy ang tinaguriang “Star of a New Decade” dahil sa muli ay balik trabaho na siya at tuloy pa rin sa pagbibigay aliw sa kaniyang mga fans. Nagpapasalamat rin si Manilyn sa mga blessings na kaniyang natatanggap at sa mga tao na hanggang ngayon ay walang sawang sumusuporta sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Claudine Barretto Sinabing Ang Dating Kumot Ni Rico Yan Ay Ginagamit Ng Kaniyang Anak Na Si Noah

Neri Naig, Isang Yate Ang Ibinigay Na Birthday Gift Para Sa Mister Na Si Chito Miranda!