in

LizQuen Nagkaroon Ng Bonding Moments Kasama Ang Mga Dolphins!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ramdam na ramdam na nga ang summer vibes at karamihan sa ating mga kababayan ay talaga namang nagpaplano para sa isang getaway. Nariyan ang pamamasyal sa beach kasama ang pamilya at mga kaibigan o di kaya naman ay mag-enjoy sa hiking at iba pang summer activities. Kapansin-pansin nga ang pagdami ng mga turista sa mga kilalang beach tulad nalang ng Boracay at Palawan.

Source: Enrique Gil Instagram

Samantala, hindi rin magpapahuli dito ang mga celebrities na nagbahagi rin ng kani-kanilang summer travels sa ating bansa. Isa na nga dito ang love team at real life couples na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Source: Ocean Adventure Subic Bay

Kamakailan lang ay ikinatuwa ng kanilang mga fans ang isang larawan na lumabas sa social media. Makikita dito na talaga namang enjoy ang dalawa sa kanilang pagbisita sa marine theme park sa Ocean Adventure na matatagpuan sa Subic Bay. Mas lalo pang naging espesyal ang pamamayal ng magkasintahan dahil nagkaroon sila ng pagkakataon para maka-bonding ang napaka-cute na mga dolphins!

Source: Ocean Adventure Subic Bay

“In behalf of our Dolphin Friends, we would like to thank you Ms. Liza Soberano & Mr. Enrique Gil for your visit”, pagbabahagi ng management ng nasabing theme park.

Samantala, sa isang larawan ay makikitang super happy si Liza sa kanilang quick getaway out of town lalo na at marami silang ginawang activities ni Enrique. Nagkaroon din siya ng chance na ma-kiss ang isang baby dolphin!

Source: Ocean Adventure Subic Bay

Hindi rin pinalagpas ng real-life couple ang pamamasid sa napaka-gandang paglubog ng araw. Sa katunayan napa-sana all nalang ang mga netizens sa kanilang sweet sunset photo na talaga namang nakaka-kilig.

“You make my heart smile.”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram photo.

Source: Liza Soberano Instagram

Talaga namang staying strong pa rin ang relationship nina Liza at Enrique. Sa katunayan, hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang nagbibigay ng inspirasyon sa kanilang mga fans hindi lang onscreen kundi pati na rin sa likod ng camera.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sarah Labahti, “I’m Tired Of Hiding My Stretchmarks”

Claudine Barretto Sinabing Ang Dating Kumot Ni Rico Yan Ay Ginagamit Ng Kaniyang Anak Na Si Noah