in

Sarah Labahti, “I’m Tired Of Hiding My Stretchmarks”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat isa sa atin ay mayroong kani-kaniyang pinagdadaanan sa buhay at aminin man natin sa hindi, minsan ay nagkakaroon tayo ng tinatawag na “ins€curities”. Sa katunayan, kahit mga kilalang personalidad tulad ng mga artista ay aminadong sila rin ay nakakaranas nito.

Source: Sarah Labahti Instagram

Isang halimbawa na nga dito ang celebrity-mom na si Sarah Lahbati. Marami ang humahanga sa kaniya hindi lang dahil sa pagkakaroon niya ng magandang mukha kundi pati na rin sa kaniyang mga accomplishments in life. Mas lalo pa ngang naging inspirasyon ang aktres matapos niyang magkaroon ng dalawang anak at maalagaan ang mga ito habang pinagsasabahay ay pag-aaral at trabaho.

Source: Sarah Labahti Instagram

Samantala, marami rin ang nakapansin sa magandang pangangatawan ni Sarah at sabi nga ng mga netizens ay parang hindi ito nanganak dahil napanatili niya pa rin ang kaniyang “beach-bod”. Ngunit hindi alam ng publiko na sa kabila ng lahat ng ito ay nakaranas din pala ang aktres ng ins€curities sa kaniyang katawan lalo na noong magkaroon siya ng stretch marks dahil sa pagbubuntis.

Source: Sarah Labahti Instagram

“I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me a while to accept that..”, bungad nito sa kaniyang mahabang Instagram post.

Aminado si Sarah na noong una ay wala siyang kumpiyansa na ipakita ang mga peklat sa kaniyang katawan. Ngunit dahil sa pagkakaroon niya ng magandang support system at very-loving family ay unti-unti niyang natutunan kung papaano totoong mahalin at pahalagahan ang sarili.

Source: Sarah Labahti Instagram

“Took me some time to realize that my stretch marks are my best tattoos.A reminder that I am a strong and resilient woman whose been through a lot but most importantly, I’ve given birth to my two dearest sons, Zion and Kai. My angels.”, dagdag pa ng aktres.

Source: Sarah Labahti Instagram

Talaga namang isang “empowered woman” si Mommy Sarah dahil natutunan niyang mahalin ang sarili. Kaya naman ngayon ay mas dobleng pagmamahal pa ang naibibigay niya sa kaniyang pamilya at ibang tao na nakapaligid sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Huwag Kang Susuko” Maxene Magalona Mayroong Payo Sa Mga Nakakaranas Ng Mat!nding T@kot

LizQuen Nagkaroon Ng Bonding Moments Kasama Ang Mga Dolphins!