Marami ang humanga noon sa tambalang Claudine Barretto at Rico Yan dahil talaga namang napaka-ganda ng chemistry nilang dalawa. Sa katunayan isa sila sa love-team na sinusubaybayan ng publiko at ang ilan nga ay gusto na sila nalang ang magkatuluyan sa totoong buhay. Marami din silang ginawang pelikula at soap opera at ang ilan dito ay napapanood pa ng kanilang mga fans hanggang ngayon.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang pum@naw ang aktor kaya ganoon nalang ang pagkalungkot ng kaniyang mga fans lalong-lalo na si Claudine na naging matalik niyang kaibigan.
Dahil sa magandang alaala ni Ryan ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng mga tao hanggang ngayon at muli ngang naging usap-usapan sa social media matapos ibahagi ng aktres ang isang larawan kung saan makikitang ang kumot na gamit ng kaniyang anak ay kaparehas ng pagmamay-ari ng aktor.

“Yes po, it’s RY’s yellow blanket…”, komento ni Claudine sa kaniyang Instagram post.
Maraming netizens ang nagulat at halos hindi makapaniwala na gamit ngayon ng batang si Noah ang kumot ng nam@yapang aktor. Ang ilan naman ay natuwa dahil naitago pa ito ni Claudine bilang alaala ng kaniyang pinaka-mamahal na kaibigan.

Samantala, ibinahagi rin ng aktres na siya mismo ang bumili ng nasabing kumot at nakuha niya ito noon sa Gift gate noong 15 years old pa lang siya. Naging paborito ito ng aktor at dala-dala nga sa halos lahat ng kaniyang mga shooting. Sa katunayan, sa isang larawan ay makikitang gamit niya ang kumot habang natutulog sa loob ng kotse. Kahit nga sa ibang bansa ay dinadala din daw ito ni Ryan.

Talaga namang nagkaroon ng magandang pagkakaibigan ang aktor at si Claudine kaya naman kahit ilang dekada na ang lumipas ay hindi pa rin ito nawawala sa kaniyang puso at alaala. Samantala, ang ilan sa mga netizens naman ay humanga ng husto sa aktres dahil sa pagpapahalagang ginawa nito sa gamit ng yuma0ng kaibigan.
Comments
Loading…