in

Ivana Alawi, Sinurpresa Ng House & Lot Ang Kaniyang Mama At Kapatid!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Good vibes na naman ang hatid ng Youtube vlogger at aktres na si Ivana Alawi para sa kaniyang mga fans. At kagaya nga ng madalas niyang ginagawa, isang malaking prank ang inihanda niya at ng kaniyang team para sa kaniyang Mama at kapatid na si Mona.

Source: Ivana Alawi Instagram

Sa viral vlog ay makikitang abala siya sa pag-shoot ng house tour nang bigla nalang may pumasok at nag-isk@ndalo. Sinasabi nitong ibinenta na ni Ivana ang bahay at binibigyan nalang sila ng tatlong araw na palugit para makahanap ng lilipatan. Nagulat ang mama ng aktres at noong una ay kalmado lang ito ngunit habang tumatagal ay hindi niya mapigilang manggigil at napagalitan pa si Ivana.

“Kasi pirma ka nang pirma. ‘Yan ang ikapapahamak mo. Maski doon sa dating bahay, ganyan ang ginawa mo”, saad niya.

Source: Ivana Alawi Instagram

Samantala si Mona naman ay chill lang dahil alam niya ang nangyayaring prank pero hindi niya alam na kasali rin pala siya sa sorpresa ng kaniyang ate. Maya-maya pa ay ni-reveal na ni Ivana ang tunay na plano at ipinakita nga ang titulo ng lupa at bahay na nakapangalan sa kaniyang mama.

Halos hindi ito makapaniwala sa maagang regalo ng anak para sa Mother’s Day at si Mona ay nagulat din dahil kasama ang pangalan niya sa mga nagmamay-ari ng lupa.

Source: Ivana Alawi Instagram

“Noong 5 years old ako, naaalala ko sinasabihan ko si Mama, ‘kapag nagkapera at pagtanda ko, ikaw ‘yung una kong bibilhan ng bahay’. Tuwang tuwa siya,” kwento ni Ivana.

Kaya naman talagang nagsumikap siya sa buhay at nagpursigi na maabot ang kaniyang pangarap hindi lang para sa sarili kundi para sa kaniyang pamilya. Sa katunayan, ilan lang ito sa mga regalo at sorpresa na inihanda niya sa buong pamilya at kahit nga ibang tao ay nakakaranas din ng kagandahang loob ng aktres.

Source: Ivana Alawi Instagram

Talaga namang beautiful inside and out itong si Ivana dahil hindi lang siya isang celebrity kundi itinuturing din ng marami na anghel dahil sa kaniyang mabuting puso at hangarin na magpasaya ng mga tao.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Challenge Accepted” Heart Evangelista, Masayang Nag-shopping Sa Sari-Sari Store

“Huwag Kang Susuko” Maxene Magalona Mayroong Payo Sa Mga Nakakaranas Ng Mat!nding T@kot