in

“Challenge Accepted” Heart Evangelista, Masayang Nag-shopping Sa Sari-Sari Store

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Living young and free” ang madalas na maging impresyon ng mga tao sa model and actress na si Heart Evangelista. Hanggang ngayon kasi ay nagagawa niya pa rin ang mga bagay na gusto niya at mula nga dito ay kumikita pa siya ng pera.

Ilan lang sa mga hilig gawin ng aktres ay ang pag-travel abroad para sa kaniyang trabaho sa fashion industry, pagpipinta sa mga designer bags at kamakailan lang ay tumanggap na rin ulit ng project sa show business.

Source: Heart Evangelista Instagram

Sa lahat ng ito ay walang ibang hangad si Heart kundi ang mapasaya ang mga taong sumusuporta sa kaniya. Sa katunayan, nagbibigay siya ng oras para pakinggan at basahin ang mga komento ng netizens. Dahil nga dito ay patuloy na dumadami ang kaniyang mga followers na mas lalo pang nai-inspire sa tuwing nakikita ang kaniyang magagandang social media contents.

Samantala, kamakailan lang ay muli na namang humanga ang publiko dahil sa ginawa ng aktres sa kaniyang latest vlog kung saan pinagbigyan niya ang challenge ng isang fan.

“Challenge accepted! Sari-sari store shopping! And saya saya! Brings back my childhood memories,”sabi ng 37-year-old actress.

Makikita sa nasabing video na naka-bihis pa rin ng sosyal si Heart at hindi mawawala ang kaniyang signature heels and bags. Aliw na aliw siya sa pagbili ng mga pagkain na talaga namang na-miss niya dahil ito ang madalas niyang bilhin noong siya ay bata pa. Nariyan ang mga biscuit, chichirya at inumin.

Source: Heart Evangelista Instagram

Samantala, dahil nga sa sobrang saya ni Heart ay siya na rin ang nagbayad sa ilang order ng mga bumibili sa tindahan. Hindi nga maiwasan ng publiko na ma-starstruck sa aktres dahil sabi nga nila mas maganda pa daw ito sa personal. Ang ilang netizens naman ay iba’t iba ang napansin sa aktres tulad nalang ng napaka-ganda niyang buhok at ang paraan ng pananalita nito.

Source: Heart Evangelista Instagram

Talaga namang walang inuurungan ang isang Heart Evangelista at kahit isa siya sa mga tinitingalang tao sa ating lipunan ay hindi pa rin nito nalilimutan ang maayos na pakikitungo sa kapwa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Goin’ Bulilit Child Star Na Si Eliza Pineda Nagtransform Bilang Isang Napaka-gandang Dalaga!

Ivana Alawi, Sinurpresa Ng House & Lot Ang Kaniyang Mama At Kapatid!