in

Goin’ Bulilit Child Star Na Si Eliza Pineda Nagtransform Bilang Isang Napaka-gandang Dalaga!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karaniwan sa mga bata ang paglalaro sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan na tila ba wala silang kapaguran. Ngunit ang ilan sa kanila ay maagang namulat sa buhay at kahit sa murang edad ay sumabak na kagaad sa pagtatrabaho.

Source: Eliza Pineda Facebook

Halimbawa na nga dito ang mga batang artista na nagpakita ng kakaibang talento nila pagdating sa entertainment industry. Halos lahat sila ay nagmula rin sa isang payak na pamilya hanggang sa hindi nagtagal ay nabago ang estado ng buhay dahil sa magandang takbo ng karera.

Source: Eliza Pineda Facebook

Isa na dito ang child star na si Eliza Pineda. Ilang beses na rin siyang lumabas sa mga commercials at mas lalo pang nakilala ng publiko nang magkaroon siya ng regular shows sa Kapamilya network.

Source: Eliza Pineda Instagram

Super cute at talentadong bata ang madalas na maging impresyon sa kaniya dahil kaya niyang gampanan ang pagiging bida-kontrabida. Hindi rin maikakaila na isa siya sa magagandang mukha sa industriya at noon nga ay sumikat sa paggawa ng mga soap opera at pelikula. Ilan lang dito ang “Mga Anghel Na Walang Langit”, “Maria Flordeluna” at “Kung Fu Kids”.

Source: Eliza Pineda Instagram

Samantala, matagal ring nawala sa Eliza tulad ng ibang batang artista at hindi na nga nakagawa pa ng ilang mga shows lalo na at nagkaroon pa ng pandemiya. Sa kabila nito ay hindi nawala ang suporta sa kaniya ng mga fans at patuloy pa rin siyang sinubaybayan ng mga netizens sa social media.

Source: Eliza Pineda Instagram

“Grabe ang glow up…biglang dalaga na agad”, sambit ng isang fan.

Kitang-kita sa kaniyang mga Instagram posts na talaga namang malaki ang ipinagbago ng aktres. Mula sa isang napaka-cute na bata ay nag-transform siya bilang isang napaka-gandang dalaga. Maliban sa kaniyang fl@wless na kutis ay hinahangaan din ng mga netizens ang fashion sense ni Eliza at sinabi ngang bagay na bagay sa kaniya ang mga damit na napipili nito.

Source: Eliza Pineda Instagram

Sa ngayon ay balik trabaho na ulit ang dalaga at makakasama niya nga sa isang pelikula sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. Ito ay pinamagatang “Til There Was You” at si Eliza ang gaganap bilang si Pippa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

BB Gandanghari Sumailalim Sa Mammogram Habang Nasa Amerika!

“Challenge Accepted” Heart Evangelista, Masayang Nag-shopping Sa Sari-Sari Store