in

CuteCute

Hayden Kho Bently Car Ang Valentine Gift Para Kay Dr. Vicky Belo!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bulaklak na mayroong kasamang tsokolate o di kaya naman ay stuffed toys ang madalas na gawing regalo sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso. Sa simpleng pagbibigay nga ng mga ganitong bagay ay naipapahayag ng ilan ang pag-ibig nila para sa taong minamahal. Ngunit mayroong iba na talaga namang naglalaan ng bonggang regalo at preparasyon para ma-surpresa at mapasaya ang kanilang “special one”.

Source: Hayden Kho Instagram

Isa na nga dito ang celebrity doktor na si Hayden Kho. Noon pa man ay kilala na siya ng marami bilang isang mapagmahal na asawa kay Dr.Vicky Belo at mabuting ama para sa nag-iisa nilang anak na si Scarlet Snow.

Source: Hayden Kho Instagram

Sa katunayan, sa halos lahat ng videos na ibinabahagi nila sa social media ay talaga namang hinahangaan siya ng mga netizens kung papaano niya pinapadama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya.

Source: Hayden Kho Instagram

Samantala, noong nakaraang Valentines Day ay napa-wow ang mga netizens sa “sweet gestures” ni Hayden para kay Dr.Vicky Belo. Maliban kasi sa big bouquet ay marami pa siyang pakulo para mapangiti ang asawa. Ginawa niya ang tinatawag na “5 languages of love” at nag-umpisa ito sa words of affirmation.

Source: Hayden Kho Instagram

Dinala niya si Dr.Vicky sa isang kwarto na punong-puno ng mga bulaklak at pulang lobo kung saan nakasabit ang kaniyang mga mensahe. Sumunod dito ang “physical touch” at naglaro silang dalawa ng “guess the body parts”. Nag-offer din si Hayden na sasamahan niya si Vicky sa susunod nitong Yoga session bilang parte ng love language na “acts of service”.

Source: Hayden Kho Instagram

Kitang-kita nga na nagi-enjoy ang doktora sa ginawang sorpresa ng kaniyang asawa ngunit hindi pa pala dito nagtatapos ang inihanda ni Hayden. Para sa kaniyang gift giving ngayong araw ng mga puso ay nagdesisyon siyang ibigay ang “dream car” ni Dr.Vicky Belo na isang Bently car!

Source: Hayden Kho Instagram

Laking gulat ng doktora dahil akala niya ay nagbibiro lang si Hayden at isa lang itong prank. Ngunit ng makita niya mismo ang sasakyan matapos i-abot ang susi ay naging emosyunal ito at lubos na nagpasalamat sa asawa dahil matagal na niyang gustong bumili ng ganitong kotse.

Source: Hayden Kho Instagram

“Very generous kasi si Vicky sa pagbibigay ng regalo sa ibang tao kaya ngayon naisip ko siya naman ang bigyan ng regalo na gustong-gusto niya.”, kwento ni Hayden.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Gaano Nga Ba Kayaman Ang Isang Shaina Magdayao

BB Gandanghari Sumailalim Sa Mammogram Habang Nasa Amerika!