Katulad ng karamihan sa mga artista, nag-umpisa ring makilala si Shaina Magdayao noong siya ay bata pa lang. Talaga namang napaka-cute niya noon at talentado rin pagdating sa pag-arte. Sa katunayan, hindi siya nahihiyang humarap sa camera kaya naman tuwang-tuwa ang mga direktor sa kaniya. Dahil dito ay napabilang siya sa hanay ng mga kilalang childstar sa showbiz at hanggang ngayon nga ay patuloy na hinahangaan ng publiko.

Iba’t ibang roles na ang nagawa ni Shaina at marami na rin siyang nakasamang mga batikang aktor at malaki ang naitulong nila para mas mapabuti pa ang kaniyang talento. At dahil nga ibinibigay niya ang kaniyang best sa lahat ng ginawa ay hindi nakakapagtaka na marami ring awards ang natanggap ng aktres. Ilan lang sa mga ito ang Best New Female TV Personality noong taong 1996 at Best Supporting Actress noon nakaraang 2020.

Samantala, maliban sa angking ganda at talento ay patuloy siyang hinahangaan ng publiko dahil sa kaniyang galing sa paghawak ng pera at pagtulong din sa mga charity.
Sa isang video nga na ibinahagi sa social media ay makikita kung gaano kalawak ang farm nina Shaina na matatagpuan sa Davao. Punong-puno ito ng mga tanim na namumunga at mayroon ding iba’t ibang gulay sa lugar. Katulad ng pangkaraniwang farm, mayroon din itong kubo kung saan gustong-gusto ng aktres na mamalagi at mag-relax.

Maliban dito ay sunod-sunod rin ang mga endorsement at iba pang side project na natatanggap ni Shaina bilang isang celebrity. Samantala, hindi alam ng lahat na mayroon din siyang mga investments at mga negosyo na ngayon ay patuloy pang lumalago. Dahil nga dito ay umaabot na sa 2 million dollars ang net worth ng aktres at ito ay may katumbas na mahigi’t kumulang 100 milyon pesos!

Ito ay ayon sa isang website na naglalabas ng ilang impormasyon patungkol sa mga kilalang personalidad sa ating bansa.

Talaga namang yayamanin ang young-looking pa rin na si Shaina Magdayao at sa kabila nga ng kaniyang tinatamasang karangyaan sa buhay ay hindi niya nalilimutang tumulong sa kapwa. Ilan lang sa kaniyang mga sinusuportahan ngayon ay ang mga bahay-ampunan at nakikipagtulungan din sa ilang ahensiya ng gobyerno para maabot ang pangangailangan ng mga bata.
Comments
Loading…