Kung negosyo ang pag-uusapan ay tiyak na maraming Pilipino ang makaka-relate diyan lalo na sa panahon ngayon na talaga namang lahat tayo ay nangangailangan ng extra income. Kahit nga mga nagtatrabaho na sa opisina o artista ay hindi magpapahuli sa pagkakaroon ng negosyo.

Isa na nga dito ang dancer-turned-actress na si Lovely Abella na ngayon ay hinahangaan ng mga netizens dahil sa patuloy na paglago ng kaniyang mga investments. Ilan lang sa mga pinagkakaabalahan niya ay ang sarili niyang cosmetic line, coffee shop, jewelry store at pagbebenta ng iba pang kikay stuffs.

Aminado si Lovely na marami siyang pinagdaanan para maabot ang kaniyang pangarap. Kaya naman ganoon nalang ang pagpapasalamat niya sa mga taong sumuporta at nagtiwala sa kaniya tulad ng kaniyang asawa na si Benj Manalo.

“Humble beginnings nagsimula sa 1,naging 2, naging 3 hanggang sa dumami pa.”, kwento pa ni Lovely na halos hindi makapaniwala sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Kaugnay nito ay ibinahagi niya na simple lang ang buhay niya noon tulad ng karamihan sa ating mga kababayan. Dahil nga sa pangarap niyang makaahon sa hirap ng buhay ay sumabak siya sa kahit anong raket at una ngang nakilala ng publiko nang maging dancer siya sa show ni Willie Revillame.

Samantala, dahil sa kaniyang sipag, tiyaga at determinasyon sa trabaho ay marami ang nakapansin sa kaniyang talento sa pag-arte at nabigyan nga ng maraming projects. Dito na nag-umpisa ang pamamayagpag ng kaniyang karera at ngayon nga ay hindi lang bumibida sa takilya kundi pati na rin sa pagnenegosyo.

Naging emosyunal nga ito sa ilan niyang Instagram posts dahil halos mapuno na ang kanilang bahay sa dami ng orders at kailangan na nilang magpatayo ng isa pang warehouse. Samantala, marami na rin silang naipundar na properties at nakatulong na rin sa kaniyang pamilya. Ngunit hindi pa dito natigil si Lovely dahil marami din siyang natulungan na magkaroon ng trabaho.
Talaga namang nakaka-inspire ang kwento ni Lovely at isa na naman itong patunay na walang imposible sa pag-abot ng ating pangarap.
Comments
Loading…