in

Cheska Kramer at Dough Kramer, Ipinasilip Ang Kanilang Napakaganda at Mamahaling Condominium Unit

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang katuparan na sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng sariling bahay. Dahil dito nabubuo ang mga magaganda at masasayang alaala ng pamilya. Sa kabila ng kahirapan ng buhay marami pa rin ang gumagawa ng paraan upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng magandang bahay. Mapa-ordinaryong tao man o kahit ang mga celebrity tinutupad ang kanilang dream house.

Source: Dough Kramer Instagram

Isa na nga rito ang mag-asawang Cheska Kramer at Doug Kramer kung saan ay hindi lamang dream house ang mayroon sila kung hindi pati na rin Condominium Unit ay kanilang nakamit. Kilala si Doug Kramer bilang isang batikang basketball player ng ating bansa at ang dating aktres na si Cheska Garcia. At dahil sa kanilang sipag at pagsasakripisyo ay nakamit nila kung anuman ang mayroon sila ngayon.

Source: Dough Kramer Instagram

Kamakailan lang nga ay ibinahagi nina Cheska at Doug ang kanilang ginawang pagpapaganda sa kanilang Condo Unit. Sa Instagram post ni Doug na may caption na, “Transformation Thursday! Our home condo!”. Ayon kay Doug ang kanilang Condo Unit ay may pagkakatulad sa kanila mismong tahanan.

Source: Dough Kramer Instagram

Dagdag pa niya, ito raw ang naging bunga ng kanilang mga investments, pagtatrabaho, at sakripisyo. Nabili raw ng mag-asawang Kramer ang nasabing Condo taong 2014 at nakaraang taon 2020 lamang ito opisyal na naibigay sa kanila. Hindi naman nagdalawang isip si Doug upang ito ay ibahagi at ipasilip sa kanilang mga tagahanga. Sabi pa niya na karamihan daw ay humihingi sa kanila ng payo at kadalasan daw nilang isinasagot ay sakripisyo.

Source: Dough Kramer Instagram

Sakripisyo ang isa sa kanilang mga naging puhunan upang makamit nila ang mga bagay na mayroon sila ngayon. Ayon pa kay Doug na alam nila na hindi magiging madali ang lahat para sa kanila noong bagong kasal pa lamang sila ni Cheska.

Source: Dough Kramer Instagram

Ngunit dahil sila ay may kaniya-kaniya pang karera noon tulad nang siya ay nasa pag-babasketball at si Cheska naman ay nasa mundo ng show business at ginamit nila ito upang magsimula at mag-invest. Inuna raw nila ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa kanilang mga luho.

Source: Dough Kramer Instagram

Kaya naman makalipas nga ang ilang taon ay nakamit nila kung ano ang mayroon sila ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ipinakilala ni Ella Cruz Sa Publiko Ang Kanyang Kasinggandang Kapatid Na Si Trisha Cruz

“Humble Beginnings” Lovely Abella Proud Sa Kaniyang Mga Pinagdaanan Bago Naging Isang Matagumpay Na Negosyante