in

Heart Evangelista, Ginulat Ang Netizens Dahil Sa Kaniyang Sosyaling Birthday Candle!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga tinitingalang celebrity simula noon hanggang ngayon ay walang iba kundi ang fashionista na si Heart Evangelista. Walang kupas pa rin kasi ang ganda nito at talaga namang walang tigil sa pagbibigay ng inspirasyon at entertainment sa kaniyang mga tagahanga. Marami man ang mga nangyaring hindi maganda sa kaniyang career ay patuloy pa rin siya sa paglago at sa katunayan ay kinukuha na ngayon ng mga kilalang international brands.

Source: Heart Evangelista Instagram

Marami ngang humahanga kay Heart dahil ang kaniyang pagiging “kikay” ay siyang nagdala sa kaniya sa karangyaan at kasikatan. Hindi nga mapigilan ng mga netizens na mapa-sana all nalang kapag nakikita nila ang ilan sa mga mamahaling damit ng aktres na karamihan ay sponsor ng mga kilalang fashion brand.

Source: Heart Evangelista Instagram

Sa katunayan kamakailan lang ay ginulat na naman ni Heart ang publiko nang mag-post ito ng isang larawan kung saan mayroon siyang hawak na kandila. Kasabay ito ng ilang social media post niya para sa kaniyang kaarawan.

Source: Heart Evangelista Instagram

Para sa ilan, simpleng kandila lang ang hawak ng aktres ngunit kung papansining mabuti, hindi ito basta-basta dahil ang tatak lang naman niyo ay “Chanel”, ang isa sa mga mamahalin at pang-mayaman na brand!

Source: Heart Evangelista Instagram

Talaga namang ipinamalas ulit ni Heart kung gaano siya kayaman at ka-sosyal. Dahil nga dito ay hindi maiwasan ng ilang netizens na magbiro at pag-usapan ang nasabing larawan.

“Pwedeng makahingi ng kahit isang kandila lang? Baka pwedeng ma-isangla yan.”, komento ng isang netizen.

Ang ilan naman ay talagang humanga sa aktres dahil nagagawa niya ang halos lahat ng bagay na gusto niyang gawin. Ito ay dahil na rin sa ilang dekada niyang pagsisipag at dedikasyon niya sa trabaho. Sa katunayan, kahit nga mayaman na ay hindi pa rin ito tumitigil at patuloy pa ring kumikita ng pera.

Source: Heart Evangelista Instagram

Samantala, sa kabila ng nararanasang karangyaan sa buhay ay patuloy na ipinapaalala ni Heart na hindi mamahalin at materyal na bagay ang mahalaga sa buhay kundi ito ay ang mga bagay na kahit kailanman ay hindi mabibili ng pera. Tulad nalang ng pagkakaroon ng magandang ugali, pakikitungo sa kapwa at sa iyong pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Aktres Na Si Michelle Madrigal Ibinahagi Ang Naging Unang Trabaho Sa Amerika

‘Chinita Princess, Napa-wow ang Fans at Netizens sa Bagong Blessing na Natanggap