Napamahal na sa madlang people ang chinita princess ng bansa na si Kim Chiu. Mula sa bagong vlog na inilungsad ng actress ay mayroon pang bagong blessing na dumating dito sa nakaraang taon. Masaya naman ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang fans at netizens ang bagong blessing na natanggap nito.

Ibinahagi ni Kim Chiu sa latest vlog nito sa channel nito kung bakit feeling bessed ito noong 2021. Maliban sa latest projects ay naging ambassador din si Kim sa isang international clothing brand at online shopping company. Nagdiwang din ito ng 1 year anniversary bilang host sa afternoon show na, ‘It’s Showtime’. Talaga namang napaka makulay ng 2021 ni Kim, subalit ang pinaka ipinasasalamat ng actress ay ang bagong property nito na ipinakita naman nito sa kanyang vlog.

Proud na ipinakita ni Kim ang kanyang newly acquired house and lot na may swimming pool, veranda at malaking espasyo para sa garden at parking area. Saad ni Kim, “ang lastly, nakatanggap ako ng blessing bago matapos ang 2021. Pangarap ko talagang magkaroon ng ganito.” Bunga ng kanyang pagpupursige ay natupad ang isa sa mga pangarap ng aktres. Dagdag nito, “with a little bit of hard work, and patience and a little bit of dream.”

Subalit sa likod ng bawat tagumpay ay mayroon mga challenges na kinaharap si Kim noong nakaraang taon. Aniya, “Marami akong hinarap na challenges. Personally, siyempre, nandiyan talaga yung mga bashers. Siyempre, sa Showtime, everyday ako nagsasalita, everyday may lumalabas sa bibig ko na hindi ko namamalayan… So may mga words ako dun na nagagalit yung ibang tao na parang napapadaan lang siya sa bibig ko.”

Bukod pa sa mga bashers ay nagkas@kit si Kim ng C0vid-19 noong nakaraang taon. Naging malaking hamon ito para sa kanya at nagpapasalamat ito dahil nagawa nitong lampasan ang mga hamon. Hindi umano nito makakalimutan ang mga aral na natutunan niya sa taong 2021.

Saad ni Kim, “dun ko na realize na life is really short nung nakulong ako ng 10 araw sa kwarto ko. Ang bilis ng buhay, like life is really precious na dapat nating i-treasure to every single day. Never missed a day na hindi mo nagagawa ang gusto mong gawin. Kung ano yung gusto mong gawin, gawin mo na.”
Tumatayong inspirasyon si Kim sa mga kababayan natin na nais din maabot ang kanilang mga pangarap. Kahit ano man ang pagsubok na dumating ay tiyak na may ginahwang mararating.
Comments
Loading…