in ,

Dating Aktres Na Si Michelle Madrigal Ibinahagi Ang Naging Unang Trabaho Sa Amerika

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga magagandang mukha sa mundo ng showbiz at talaga namang kilala pagdating sa galing sa pag-arte ay ang dating aktres na si Michelle Madrigal. Halos lahat nga ng role sa isang soap opera ay kaniya ng nasubukan at wala nga itong inuurungan. Ngunit sa kabila ng magandang estado sa kaniyang showbiz career ay mas pinili nitong mamuhay ng pribado kasama ang kaniyang banyagang boyfriend na di nagtagal ay kaniya ring pinakasalan.

Source: Michelle Madrigal Instagram

Matatandan nga na noong April 13, 2019 ay nangyari ang kanilang intim@te wedding sa Texas, USA. Simple ngunit talaga namang napaka-ganda ng naging kasal ni Michelle at kinunan ito ng isang sikat na photographer sa bansa.

Source: Michelle Madrigal Instagram

Samantala, matapos ang pag-iisang dibdib ay hindi na nga bumalik ang aktres sa Pilipinas at tuluyan na itong nanirahan sa Amerika kasama ang asawang si Troy at nag-iisang anak na babae. Ganoon pa man, hindi pa rin nawala ang connection niya sa mga Filipino fans dahil gumawa din siya ng sariling Youtube channel.

Sa katunayan, kamakailan lang ay ibinahagi niya sa mga netizens kung saan siya unang nagtrabaho noong dumating siya sa Amerika.

Source: Michelle Madrigal Instagram

“Today, I’ll take you with me to my very first job in the US..”, bungad ng dating aktres sa kaniyang ginawang video.

Ibinahagi rin ni Michelle na simula ng lumipat siya abroad ay hindi naging madali ang lahat para sa kaniya lalo na at nasanay siya sa Pilipinas na siya ang sentro ng atensyon ng mga tao dahil isa siyang celebrity.

Source: Michelle Madrigal Instagram

Naibahagi nga niya na sa Amerika hindi siya ang pinagsisilbihan dahil siya mismo ang nagbibigay ng serbisyo sa tao dahil ang kauna-unahan niyang trabaho abroad ay sa kusina ng isang kilalang restaurant. Nahirapan man sa kaniyang trabaho ay matagumpay itong natapos ng dating aktres dahil isa ito sa mga pangarap niyang gawin sa buhay.

Source: Michelle Madrigal Instagram

Samantala, ngayon ay isa ng successful Mommy si Michelle dahil maliban sa pagiging entrepreneur ay kumikita din siya sa paggawa ng kaniyang gusto tulad nalang ng pagiging vlogger at gym instructor.

Talaga namang mahalaga sa buhay na marunong tayong mag-adjust sa anumang bagay na ating mararanasan. Tulad nalang ni Michelle na sa kabila ng pagiging isang celebrity ay natutunan niya kung papaano makibagay at maki-ayon sa kaniyang mga ka-trabaho.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

6K Na Puhunan Sa Isang Coffee Shop Nagkaroon Na Ngayon Ng Umaabot Sa 15 Branches!

Heart Evangelista, Ginulat Ang Netizens Dahil Sa Kaniyang Sosyaling Birthday Candle!