Sabi nga nila, hindi ka yayaman kung mananatili ka lang na isang empleyado. Kaya naman karamihan sa ating mga kababayan ay kung anu-anong negosyo na rin ang sinubukan para magkaroon ng dagdag na income. Ang ilan sa kanila ay hindi maiwasang makaranas ng mga negatibong komento mula sa mga kakilala pati na rin sa kanilang pamilya. Dagdagan pa ng minsang pagka-lugi sa negosyo lalo na kung hindi nag-click sa publiko.

Ngunit para sa mga buo ang loob, patuloy lang sila sa pagkayod dahil na rin sa pag-asang balang-araw ay makakamit din nila ang pangarap na magandang buhay. Isang patunay na dito ang kwento ng isang babae na napalago ng husto ang puhunan sa coffee shop na nagkakahalaga ng umaabot sa 6,000 pesos!

Nakilala siya bilang si Anna Magalona at mahigit tatlong taon na rin siyang nagtatrabaho bilang isang empleyado. Isa siyang Credit and Finance Solutions manager sa isang software company sa Makati City. Maganda naman ang kaniyang sahod sa kompanya at ito talaga ang dream job niya noong nag-aaral pa.
Ngunit nang magkaroon ng p@ndemiya at sunod-sunod sa mga kababayan natin ang nawalan ng hanap-buhay, napaisip siya at nagtanong sa sarili kung ano ang kaniyang back-up plan kung sakaling mawalan siya ng trabaho.

Dahil nga dito ay naglakas-loob si Anna na magtayo ng sarili niyang coffee shop.
“I thought of coffee because I love coffee. And coffee is quite easy to prepare.”, kwento ng dalaga.

Nagsimula siya sa loob ng kanilang condo-unit at sa halagang 6k ay nakabili siya ng coffee maker at ilan pang gamit sa paggawa ng kape. Hindi naging madali ang lahat at nakatanggap rin siya ng mga negatibong komento ngunit sa halip na magpatalo ay mas pinagbuti ni Anna ang kaniyang produkto at pumatok nga ito sa masa.

Sa ngayon ay mayroon ng 15 branches ang But First, Coffee business ng dalaga at patuloy siyang nakakatulong sa mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho.
“Invest in everything that you can to make your business a success.”, payo ni Anna sa mga gusto ring sumubok mag-negosyo.
Comments
Loading…