in

Yeng Constantino Nagpatayo Na Rin Ng Bahay Sa Isang Farm!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sadyang masarap manirahan sa probinsiya lalo na at presko ang hangin dito pati na rin ang mga pagkain na talaga namang mabibili mo sa murang halaga. Mas mainam din mamalagi sa ganitong uri ng lugar dahil ayon sa mga pag-aaral maganda ito para sa ating kalusugan.

Source : Yeng Constantino Instagram

Kung ikukumpara nga natin sa syudad na napapalibutan ng nagtataasang mga building, sa probinsiya ay mas marami ang mga puno kaysa mga bahay. Maaliwalas din ang kapaligiran dahil kakaunti ang mga sasakyan na bumubuga ng usok na hindi maganda.

Dahil dito karamihan sa ating mga kababayan ay naisip na magtayo ng bahay sa mga probinsiya lalo na sa panahon ngayon na mayroong banta sa ating kalusugan. Ilan na nga dito ang mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz kagaya ni Yeng Constantino na kamakailan lang ay ipinasilip sa publiko ang ipinapagawa nilang bahay ng asawang si Yan Asuncion.

Source : Yeng Constantino Instagram

Mayroong family farm sila Yeng sa Quezon at dahil madalas silang bumisita dito ay naisipan na rin nilang magpatayo ng sariling tahanan. Nandito rin kasi ang tatay at kapatid ni Yeng kaya naman mas magiging enjoy ang pananatili nila sa lugar.

Samantala ayon sa singer, medyo nalungkot siya habang ipinapagawa ang bahay dahil anim na puno ang kailangan nilang putulin para na rin sa kanilang kaligtasan tulad nalang ng mga buko. At para nga makabawi sa kalikasan, nagtanim sila ng maraming punong-kahoy tulad ng mahogany upang makaiwas sa landslide.

Source : Yeng Constantino Instagram

“Trivia, mas marami pa daw nap@p@tay ang buko kaysa pating taon-taon. So kapag nalaglagan ka ng buko, biy@k talaga ang bung0 mo.”, pagbabahagi ng singer.

Halos skelet0n pa lang ang nasabing bahay ngunit talagang maganda ang kalalabasan nito base na rin sa ipinakitang plano ng kanilang katiwala na si Mang Fred. Ito rin ang gumawa ng ilan pa sa mga apartment at resorts nila Yeng na matatagpuan sa Zambales.

Source : Yeng Constantino Instagram

Sa ngayon ay excited na ang mag-asawa na matapos ang kanilang farm house at marahil sa darating na Marso ay mai-enjoy na nila ang pagbisita dito. Plano rin daw ni Yeng na magtanim dito ng Cacao at ilan pang namumungang puno.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Richard Yap, Ipinasilip Ang Kaniyang Mala-Mansyong Bahay At Magagarang Sasakyan!

Arci Muñoz Rumampa Sa Holywood Red Carpet, Netizens Nagulat Sa Kaniyang New Look!