in

LoveLove CuteCute LOLLOL OMGOMG AngryAngry

Richard Yap, Ipinasilip Ang Kaniyang Mala-Mansyong Bahay At Magagarang Sasakyan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi magpapahuli ang tinaguriang “Sir Chief” ng mga teleserye na si Richard Yap pagdating sa vlogging at kagaya nga ng mga bagets ngayon mayroon na rin siyang sariling Youtube channel!

Dahil nga dito ay mas naging close ang aktor sa kaniyang mga fans kahit na hindi siya madalas na nakakalabas ng bahay bilang pag-iingat na rin. Ilan lang sa mga ibinabahagi ni Richard ay ang kaniyang mga pangaraw-araw na ginagawa kasama ang pamilya pati na rin ang ilang videos na ginagawa niya kapag siya ay nasa trabaho.

Source: Richard Yap Instagram

Samantala, nakisabay rin si “Sir Chief” sa nauusong “house tour” ng mga celebrities at talaga namang inaabangan ito ng mga netizens. Maliban kasi sa mas nakikilala nila ang taste ng kanilang idolo ay nakakakuha din sila ng ideya kung papaano aayusin ang loob ng kanilang bahay o di kaya naman ay kung ano ang mga kagamitan na magandang bilhin.

Source: Richard Yap Instagram

Sa ginawang vlog ni Richard ay makikitang napakalaki ng kaniyang bahay na modern-minimalist ang naging tema. Kulay itim at puti ang napiling kulay ng aktor para sa kanilang dream house at sa garahe pa lang ay kapansin-pansin na ang limang sasakyan na sunod-sunod na naka-park.

Source: Richard Yap Instagram

Pagpasok pa lang sa bahay ay makikita na ang magagandang furnitures tulad ng magarang chandelier at sofa. Halos katabi lang nito ang kanilang kusina na talaga namang kumpleto sa mga gamit.

Source: Richard Yap Instagram

Mayroon ding sariling gym area ang aktor sa loob ng kanilang tahanan at ibinahagi nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang pagkakaroon ng oras na makapag-ehersisyo lalo na sa panahon ngayon na kailangan nating palakasin ang ating resistensya.

Source: Richard Yap Instagram

Talaga namang napaka-ganda ng tahanan ni Sir Chief at isa lang itong patunay na siya ay pinagpala. Hindi rin kasi matatawaran ang sipag niya sa pagtatrabaho hindi lang bilang isang artista kundi pati na rin bilang isang negosyante. Maganda rin ang samahan nila ng kaniyang asawa na si Melody Yap at ng kaniyang magagandang mga anak.

Source: Richard Yap Instagram

Sa ngayon ay isa na nga si Richard Yap sa mga social media influencers na patuloy na sinusubaybayan ng mga netizens.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maymay Entrata, Ibinahagi Ang Bagong Bahay Na Kanyang Ibinili Sa Japan Para Sa Kanyang Ina

Yeng Constantino Nagpatayo Na Rin Ng Bahay Sa Isang Farm!