in

OMGOMG CuteCute LoveLove CryCry LOLLOL WTFWTF AngryAngry

Maymay Entrata, Ibinahagi Ang Bagong Bahay Na Kanyang Ibinili Sa Japan Para Sa Kanyang Ina

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang naaliw sa pagiging kwela ng PBB Lucky 7 big winner na si Maymay Entrata. Dahil sa kanyang pagiging totoo at positibo sa buhay nasungkit niya ang pagiging kampeon ng naturang reality show.

Sa 5 taon ni Maymay sa industriya, marami na siyang naging mga TV projects. Dahil sa kanyang talento at husay sa pag-arte talagang kinagiliwan siya ng mga manonood. Sa tagal niyang ito, isang milestone ng kanyang buhay ang mabigyan ng bagong bahay ang kanyang ina na matagal ng nagtatrabaho sa bansang Japan.

Kaya naman bilang regalo sa kanyang ina binilhan niya ito ng sariling house property upang may sarili na itong matuluyan habang nagtatrabaho ito sa Japan. Sa kanyang social media account, masayang ibinahagi ni Maymay ang kanyang nabiling bagong bahay.

Aniya sa kanyang post, “Gusto ko lang magpasalamat nang sobra-sobra dahil sa pagmamahal at genuine na support n’yo po sa akin since day 1 po. Maraming salamat dahil kahit anong nangyari ay nararamdaman ko na karamay ko kayo dahil tayo nga po ay Kapamilya.”

“Lagi kong iti-treasure ‘yon talaga saan man ako mapunta. Itong napaka-espesyal na journey na ito ay hindi ako magsasawang i-share siya sa mga tao at sa mga nagsisimulang nangangarap na katulad ko. Maraming salamat.”

Dagdag pa nito, “Isa ‘yon sa sukli ko sa mga sakripisyo na ibinibigay niya sa akin simula noong nawalay siya sa akin. Napakalaki kasing sakripisyo ang mawalay ka sa anak mo.”

“Habang tumatanda ako, lalo kong naiintindihan bakit niya nagawa ‘yon, bakit siya malayo sa akin kahit kailangan ko siya, para lang lang din maibigay ang pangangailangan ko sa araw-araw,” sambit pa ng dalaga.

Masayang pagbabahagi pa ni Maymay, “Masayang-masaya ako na parang ito ang oras ko para maibalik ko ang sakripisyo na ibinigay niya para sa akin.”

Para kay Maymay ito ang paraan upang masuklian niya ang lahat ng pagsasakripisyo ng kanyang ina para sa kanilang pamilya at upang maipakita ang kanyang labis na pagmamahal at pasasalamat sa kanyang ina.

Ngunit sa kabilang banda, hindi pa rin matatawaran ang pagmamahal ng mga anak sa kanyang ina dahil ang pagmamahal ang mas magandang maireregalo ng isang anak sa kanyang ina.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lolo Na Nagdaos Ng Ika-101 Na Kaarawan Mas Piniling Mamigay Ng Tulong Kaysa Magkaroon Ng Sariling Handaan!

Richard Yap, Ipinasilip Ang Kaniyang Mala-Mansyong Bahay At Magagarang Sasakyan!