in

Arci Muñoz Rumampa Sa Holywood Red Carpet, Netizens Nagulat Sa Kaniyang New Look!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagdating sa fashion ay talaga namang hindi magpapahuli ang aktres, modelo at singer na si Arci Muñoz. Sa katunayan, maliban sa kaniyang kagandahan at angking talento ay patuloy siyang sinusubaybayan ng kaniyang mga fans dahil na rin sa kaniyang kakaibang taste sa pananamit, make-up pati na rin ayos ng buhok. Inaabangan rin ng mga netizens ang ilan sa kaniyang mga life updates lalo na ang pag-travel niya around the world.

Source: Arci Muñoz Instagram

Matagal ng hindi aktibo sa showbiz ang dating aktres at noon ay pinagtuunan niya ng pansin ang passion sa pagkanta. Samantala, sa ngayon ay wala sa Pilipinas si Arci at naninirahan na ito sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya. Ganoon pa man sa pamamagitan ng social media ay mas lalo pang nakikilala ng mga netizens si Arci na ngayon ay isa na ring K-pop fans.

Source: Arci Muñoz Instagram

Kitang-kita nga sa kaniyang mga post na talaga namang all-out support siya sa mga K-pop idol at kung saan-saan na nga nakarating para lang mag-attend ng mga concert.

Source: Arci Muñoz Instagram

Samantala, kapansin-pansin naman ang kaniyang pagpalit ng kulay ng buhok na talaga namang hinangaan ng mga netizens. Maliban dito ay marami rin ang nakapansin sa malaking pinagkaiba ng kaniyang mukha ngayon kumpara noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz industry. Matatandaan na kinailangan nitong sumailalim sa isang operasyon matapos magkaroon ng aksidente sa isa sa kaniyang mga gigs.

Source: Arci Muñoz Instagram

Kaugnay nito kamakailan lang ay muling pinag-usapan si Arci Muñoz dahil sa kaniyang pagdalo sa isang event kung saan makikitang mayroon siyang larawan sa Holywood red carpet. Suot niya ang isang black dress na talaga namang umayon sa hubog ng kaniyang katawan.

Source: Arci Muñoz Instagram

Hindi nga matawaran ang paghanga ng mga netizens dahil hanggang ngayon ay napapanatili nito ang pagiging s3ksi. Samantala ang ilang netizen ay hindi makapaniwalang si Arci nga ito dahil may hawig daw siya sa isang Holywood celebrities.

Source: Arci Muñoz Instagram

Talaga namang bagay sa aktres ang kahit na anong damit, ayos ng mukha pati na rin kulay ng buhok. Sabi nga nila “nasa nagdadala lang naman yan”. Sang-ayon ba kayo dito?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Yeng Constantino Nagpatayo Na Rin Ng Bahay Sa Isang Farm!

6K Na Puhunan Sa Isang Coffee Shop Nagkaroon Na Ngayon Ng Umaabot Sa 15 Branches!