in ,

Willie Revillame, Pinamangha Ang Netizens Sa Kanyang Napakagandang Santorini-Inspired Hotel-Resort sa Tagaytay City

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Willie Revillame ay isa sa sikat na artista na kilalang-kilala sa pagiging mayaman nito. Bukod sa kanyang pagiging isang mahusay na komedyante, siya rin ay isang magaling na TV-host. Sa kanya ngang programa marami siyang mga taong natutulungan kaya naman labis din ang biyayang bumabalik sa kanya.

Source: Google

Sa katunayan, sa kamakailan nga lamang na episode ng kanyang TV show na ‘Wowowin’, ay kanyang ipinakita sa lahat ng manonood ang kanyang isa sa mga naturang property na talagang nagpamangha sa lahat.

Source: Google

Ito ay kanyang ipinasilip habang naka-ere ang kanyang programa. Ayon sa TV-host ‘ERU’ umano ang kanyang ipinangalan sa kanyang Santorini-inspired Hotel-Resort na ito na matatagpuan sa Barangay Iruhin sa Central sa Tagaytay City.

Source: GMA

Subalit ang kanyang napakagandang hotel-resort at restaurant na ito ay hindi pa nagbubukas para sa publiko dahil wala pa umano siyang nakukuha na mamamahala nito. At dahil na rin sa p@ndemya kaya hindi pa niya talaga ito mai-operate.

Source: GMA

Pahayag pa ni Willie habang ibinibida ang kanyang napakaganda at eleganteng resort, “Ang weather ho dito ang advise ko lang hindi lang ho kayo naka-pants, naka-sweatshirt naka-jacket ho dahil sobra ho talaga ‘yung lamig dito pero ang sarap ng feeling talaga na malamig na may pagka-windy pa, so abangan n’yo.”

Source: GMA

Dagdag pa nito, hindi lang umano ito basta pwede maging bakasyunan dahil pwede rin dito ganapin ang mga seminars, weddings at mga team building pero kailangan lang ang reservation.

Aniya pa, “hindi po pupuwede dito ‘yung basta papasok kayo, hindi po. By reservations po ‘yan lahat bookings po ‘yan lahat.”

Source: GMA

Saad pa niya, ang lugar na ito ay may tatlong ektarya ang lawak pero isang ektarya pa lamang ang na-dedevelop. Ang tinatayuan mismo ng kanyang hotel-resort at ang natirang dalawang ektarya ay inaayos na para sa mga private houses na tatawagin niyang ‘Eru Estates’.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Xian Gaza, Ipinaliwanag Kung Bakit Mali Ang Pag-Cancel Kay Toni Gonzaga Sa Social Media!

Aktres Na Si Mikee Quintos Very Proud Sa Kaniyang Ate Na Isa Ng Attorney!