in

LoveLove OMGOMG

Lolo Na Nagdaos Ng Ika-101 Na Kaarawan Mas Piniling Mamigay Ng Tulong Kaysa Magkaroon Ng Sariling Handaan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sadyang nakakatuwa at isang malaking biyaya kung maituturing ang bawat taon na nadadagdag sa ating buhay. Kaya naman naging kasanayan na sa ating lipunan ang paglalaan ng oras para siguradong magkaroon ng handaan sa tuwing mayroong magdiriwang ng kaniyang kaarawan. Nariyan ang masasarap na pagkain na nakahain para sa lahat at mga regalo na talaga namang ibinigay ng taos-puso. Syempre hindi rin mawawala ang pagsasama-sama ng buong pamilya kasama na rin ang mga kaibigan at iba pang kakilala.

Source: Wyeth Apejas

Ngunit isang lolo ang kamakailan lang ay naging usap-usapan dahil sa kakaiba nitong ginawa para sa pagdiriwang ng kaniyang ika-101 na kaarawan.

Nakilala siya bilang si Lolo Diego Valuz na nakatira sa Laguna at talaga namang kamangha-mangha ang kaniyang kwento. Ayon kay Wyeth Apejas, likas na sa matanda ang pagtulong sa kapwa at kahit nga sa kanila na tagapag-alaga ay hindi ito nagiging pabigat. Sa katunayan madalas pa itong magluto ng almusal para sa pamilya at talaga namang laging kumikilos sa loob ng bahay.

Source: Wyeth Apejas

Samantala, laking gulat nina Wyeth nang iba ang mga ipinabili ng matanda para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Sa halip na sangkap sa pagkain at cake ay nagpabili ito ng 20-sakong bigas, napakaraming tinapay at mga tsokolate!

Source: Wyeth Apejas

Sinunod lang naman nila ang gusto ni Lolo Diego at sa huli ay napag-alaman nila na ipapamigay pala ito ng matanda sa mga nangangailangan. Isa-isa nila itong binalot at nakabuo nga ng napakaraming pang-regalo.

Talaga namang hindi mapigilan ang isang tao na mayroong busilak na puso para sa kapwa tulad nalang ni Lolo Diego na kilala sa kanilang lugar bilang mapagbigay na tao. Sa katunayan nakatulong din pala ito para makapagpatayo ng paaralan sa kanilang lugar.

Source: Wyeth Apejas

Sa huli ay maraming napasaya ang matanda sa kaniyang ika-101 na kaarawan at ito ay isang paraan niya ng pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya na kaniyang nararanasan. Samantala, hindi naman pumayag sila Wyeth na hindi mabigyan ng kaunting handa si Lolo Diego kaya naman bumili sila ng cake at ilang pagkain na pinagsaluhan ng buong pamilya

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Aktres Na Si Mikee Quintos Very Proud Sa Kaniyang Ate Na Isa Ng Attorney!

Maymay Entrata, Ibinahagi Ang Bagong Bahay Na Kanyang Ibinili Sa Japan Para Sa Kanyang Ina