in ,

Aktres Na Si Mikee Quintos Very Proud Sa Kaniyang Ate Na Isa Ng Attorney!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karangalan sa isang pamilya ang magkaroon ng mga anak na nakapagtapos ng kolehiyo at talaga namang naabot ang gusto nilang kurso. Para kasi sa mga magulang ito ang isa sa mga pwede nilang ipamana sa mga anak na hindi kayang manakaw ninuman. Kaya naman lubos na nagsisiyahan ang buong mag-anak sa tuwing isa sa miyembro ng pamilya ay matagumpay na nakapagtapos ng pag-aaral.

Source: Mikee Quintos Instagram

Ganito rin ang naramdaman ng young actress na si Mikee Quintos matapos niyang malaman na nakapasa ang kaniyang Ate sa board exam. Kumuha ito ng kursong may kinalaman sa pagiging isang abogado at kita ng dalaga kung ano ang mga sakripisyo at hirap na pinagdaanan ng kaniyang ate para maisakatuparan ang pangarap.

Source: Mikee Quintos Instagram

“FIGHT ME!!!There’s a new lawyer in town.”, pabirong caption ng batang aktres sa kaniyang Instagram post kung saan kasama niya ang kaniyang ate na si Louisa Marie Quintos.

Source: Google

Isa si Louisa sa mga pinalad na makapasa sa Board Exam noong taong 2019 at kamakailan lang ay ginanap ang matagal ng inaabangan ng marami na Oath Taking Ceremony na nangyari nalang online via Zoom video conference bilang pagsunod na rin sa ipinapatupad na health protocol. Masayang-masaya si Louisa dahil kasama niya ang kapatid na si Mikee pati na rin ang iba pang miyembro ng pamilya sa isang mahalagang pangyayari sa kaniyang buhay.

Source: Google

“I am immensely grateful that I took my Oath today surrounded by the people I love the most.”, pahayag ni Louisa sa kaniyang social media account.

Super proud nga si Mikee sa kaniyang ate dahil sa kabila ng pandemiya ay hindi ito nawalan ng pag-asa at sa halip ay mas lalo pang naging masipag sa pag-aaral. Ayon pa sa aktres hinangaan niya ang kaniyang nakatatandang kapatid dahil buo ang determinasyon nito at talaga namang desididong maabot ang kaniyang pangarap.

Source: Mikee Quintos Instagram

Sadyang walang makahahadlang sa isang taong punong-puno ng pag-asa at kagaya nga ni Louisa, nakamit niya ang kaniyang tagumpay dahil hindi siya sumuko sa laban ng buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Willie Revillame, Pinamangha Ang Netizens Sa Kanyang Napakagandang Santorini-Inspired Hotel-Resort sa Tagaytay City

Lolo Na Nagdaos Ng Ika-101 Na Kaarawan Mas Piniling Mamigay Ng Tulong Kaysa Magkaroon Ng Sariling Handaan!