in

CuteCute OMGOMG AngryAngry LOLLOL CryCry LoveLove WTFWTF

“Sample King” Jhong Hilario, Gaano Na Nga Ba Kayaman!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pangarap ng karamihan na makamit ang ginhawa sa buhay kaya naman ganoon nalang ang pagsisipag ng ating mga kababayan sa anumang trabaho na kanilang pinagkakakitaan. Samantala, ang ilan ay nakaka-isip ng paraan para makapasok sa mundo ng showbiz dahil alam nila na mas marami ang oportunidad dito na makakatulong para magkaroon ng maayos na buhay.

Source: Jhong Hilario Instagram

Sadya ngang hindi biro ang kinikita ng mga artista ngunit hindi rin basta-basta ang mga pinagdadaanan nilang hirap. Isa na nga dito ang kilalang “Sample King” ng “It’s Showtime” na si Jhong Hilario o kilala rin sa totoong pangalan na Virgilio Viernes Hilario.

Source: Jhong Hilario Instagram

Nag-umpisa siya noon bilang stuntman hanggang sa mayroong naka-diskubre sa kaniyang galing sa pag-arte. Dahil dito napasama siya sa mga ma-aksyong pelikula at teleserye tulad nalang ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Napansin rin ng marami na hindi lang pag-arte ang kayang gawin ni Jhong dahil bumibida din ito sa dance floor. Sa katunayan, naging miyembro siya noon ng Streetboys.

Naging maganda ang estado ng kaniyang karera sa showbiz ngunit hindi dito natigil ang aktor sa pagbibigay serbisyo sa tao dahil maliban sa entertainment industry ay pinasok niya rin ang pagiging isang public servant kagaya ng kaniyang ama. Lumaban siya noon bilang k0nsehal ng Makati at nanalo ito dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng madlang pipol.

Source: Jhong Hilario Instagram

Sa ngayon ay mayroon ng napaka-gandang asawa at anak si Jhong na talaga namang nabibigyan niya ng maganda at maayos na buhay. Ito ay dahil na rin sa kaniyang mga naging investments at savings mula sa ilang dekadang pagtatrabaho.

Ayon sa ilang source, umaabot ng mahigit 11 milyon ang net worth ng aktor at patuloy pa itong tumataas. Mayroon na din siyang sariling bahay na mala-resort at hotel ang dating. Maliban dito ang mga sasakyan na pagmamay-ari niya pati na rin ang iba’t ibang negosyo na pinaglalaanan niya rin ng oras para masigurong maayos ang operasyon ng mga ito.

Source: Google

Isa lang si Jhong Hilario sa mga sikat at asensadong artista ngayon na aminadong nagsimula sa pinakamababang posisyon noon. Talaga namang hindi maikakaila na malaki ang magagawa ng sipag at tiyaga sa trabaho.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak Ni Willie Revillame Sa Ex-Girlfriend Na Si Sharon Viduya, Nakakabighani Ang Kagandahan!

Xian Gaza, Ipinaliwanag Kung Bakit Mali Ang Pag-Cancel Kay Toni Gonzaga Sa Social Media!