in

OMGOMG LoveLove

Anak Ni Willie Revillame Sa Ex-Girlfriend Na Si Sharon Viduya, Nakakabighani Ang Kagandahan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang isang kilalang actor, komedyante at TV host, si Willie Rivellame ay gumuhit rin talaga ng pangalan sa industriya ng showbiz. Siya ay kasalukuyang TV host ng show na Wowowin.

Bukod sa taglay nitong kagwapuhan ay likas na rito ang maging matulungin at napakabuting kalooban kung kaya’t marami ang nahumaling sa kanya.

Si Willie ay ikinasal kay Liz Almoro noong 2005 ngunit naghiwalay din sila kalaunan noong taong 2008. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki – si Juamee.

Source: Google

Dahil sa taglay na karisma ng aktor at TV host, nagkaroon pa ito ng isa pang anak na babae bukod kay Meryll Soriano. Si Meryll ay anak ni Willie kay Bec-Bec nak kapatid ni Maricel Soriano.

Matatandaan na ibinunyag ni Willie noong 2007 sa dati nitong show sa ABS CBN ang tungkol sa anak nito sa dating kasintahan na si Sharon Viduya at ikinagulat naman ng mga manunuod.

Source: Google

“Kasi ho, anak ko to e,” patuloy ng host habang kausap ang audience. “Actually, pangalawang beses ko na siyang nakita nung maliit pa siya. Nung ikakasal na ko ulit, tumawag sa ‘kin yong kanyang mommy. Kinausap niya ako, ‘Gusto ka daw kausapin ng baby mo.’ Sabi ng bata, ‘Hello? Willie? Ikaw ba tatay ko?’ Tapos sabi ko, ‘Oo.’ Sabi niya, ‘Ikakasal ka na naman?’ Ang cute, di ba?”

Ang anak na ito ni Willie ay si Marimonte Shanelle Viduya Revillame, o mas Monty kung tawagin nila. Nasa tatlong taong gulang pa lamang si Monty ng ipinakilala ni Willie sa publiko at ngayo’y nagtataglay ng agaw pansin na kagandahan na tunay naming nakabibighani at kinagiliwan ng mga netizens.

Source: Google

Hindi naman ito nakapagtataka dahil si Willie mismo ay nakitaan ng kagwapuhan at likas na karisma kaya’t marami ring nabihag na puso at kinahumalingan ng mga kababaihan sa showbiz man o hindi.

Si Monty at ang kanyang ina na si Sharon ay naninirahan ngayon sa Baguio kung saan doon rin ito lumaki. Nananatiling pribado ang buhay ng dalaga at kasalukuyang nag-aaral sa Brent International School Baguio.

Source: Google

Hindi man sumunod sa yapak ni Willie ate Meryll si Monty, makikita naman sa official account nito sa social media ang pagiging malapit nito sa kanyang ama at mga kapatid at maging ang pamangkin nito kay Meryll na si Elijah. Kasama ito palagi sa mga bakasyon at lakad ng kanilang pamilya at kaibigan. Sabay din silang nanonood ng mga shows ng ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Batang Pinay Inihahantulad Kina Bill Gates at Mark Zuckerberg Sa Kahusayan Nito Sa Computer Programming

“Sample King” Jhong Hilario, Gaano Na Nga Ba Kayaman!