in

Kilalanin Ang Kapatid Ni Ivana Alawi Na Kagaya Niya Ay S€ksi Rin At Maganda

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa pangalang “Ivana Alawi”? Halos lahat nga ata ng mayroong cellphone at internet ay kilala siya lalo na at isa ito sa mga nangungunang social media influencers. Kagaya ng karamihan, nag-umpisa si Ivana sa simpleng pangarap na balang-araw ay maging artista. Ilang audition din ang kaniyang sinuong at maliban pa dito ang mga negatibong salita na natatanggap niya sa mga b@shers.

Source: Amira Alawi Instagram

Ganoon pa man hindi tumigil si Ivana sa pag-abot ng kaniyang pangarap at tuluyan ngang nadiskubre ang angking galing sa pag-arte. Napasama siya sa ilang mga teleserye at soap opera kagaya nalang ng sikat na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Unti-unting namayagpag ang kaniyang pangalan nang subukan nito ang pagiging isang Youtube vlogger.

Source: Amira Alawi Instagram

Ito nga ang naging simula ng kaniyang tagumpay ngunit sa kabila nito ay marami ang nakapansin na ni minsan ay hindi naging mayabang si Ivana at ginamit nga ang posisyon para makatulong sa kapwa.

Source: Amira Alawi Instagram

Samantala, pati mga kapatid ng dating aktres ay sumubok na rin sa vlogging at ito nga ay sina Hash at Mona. Kilala na rin sila ng mga netizens dahil madalas silang makita sa vlog ni Ivana. Ngunit mayroon pa silang isang kapatid na madalas mabanggit at ito nga ay si Amira. Kaya naman ganoon nalang ang pagkasabik ng mga netizens na makita kung magkamukha ba sila ng s€ksing aktres.

Source: Amira Alawi Instagram

Kamakailan lang ay kumalat sa social ang larawan ni Amira at marami nga ang nagsasabing walang duda na kapatid nga ito ni Ivana. Halos parehas sila na balingkinitan ang katawan at maputi. Maging ang mata ng dalawa ay magkahawig na magkahawig rin. Agad nga itong pinusuan ng mga netizens at ang ilan pa ay nagsabi na pwedeng-pwede rin itong sumabak sa showbiz kagaya ng kapatid na aktres.

Source: Amira Alawi Instagram

Samantala, kapansin-pansin rin na active si Amira sa social media at madalas niyang batiin si Ivana. May mga pagkakataon rin na nagbabahagi ito ng larawan ng aktres na mayroong napaka-sweet na caption.

Sa tingin niyo, siya na nga ba talaga ang kapatid ng vlogger na si Ivana?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Modern-Looking Bungalow House Ng Aktor Na Si Marvin Agustin Agaw-Pansin Sa Mga Netizens

Batang Pinay Inihahantulad Kina Bill Gates at Mark Zuckerberg Sa Kahusayan Nito Sa Computer Programming