in

Modern-Looking Bungalow House Ng Aktor Na Si Marvin Agustin Agaw-Pansin Sa Mga Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagpapagawa ng dream house ang isa sa mga pangarap na gusto nating maisakatuparan at halos lahat nga sa ating mga kababayan ay ito ang nagiging inspirasyon sa araw-araw nilang pagsisipag sa trabaho.

Source: Marvin Agustin

Sa katunayan, kahit mga kilalang personalidad sa ating lipunan ay prioridad rin ang pagkakaroon ng isang magandang tahanan lalo na at isa ito sa mga pangunahing pangangailangan natin maliban sa pagkain.

Source: Marvin Agustin

Isa na nga ang dating aktor na si Marvin Agustin sa mga nangarap na magkaroon ng dream house. Sikat na sikat siya noon sa showbiz at nagkaroon pa nga ng pagkakataon na maging leading lady ang mga sikat na aktres noong taong 90’s. Ngunit sa kabila ng pamamayagpag ng kaniyang karera ay nagdesisyon itong pumasok sa negosyo.

Source: Marvin Agustin

Hindi nabigo si Marvin at ngayon nga ay hindi lang isa ang mga business na kaniyang pinapatakbo at malaki ang naitulong nito para maipatayo ang kaniyang napaka-gandang dream house.

Source: Marvin Agustin

Modern bungalow house ang naging disenyo ng kaniyang bahay na matatagpuan sa White Plains, Quezon City. Kasama niya ang kaibigang si Cathy Saldaña sa pag-renovate ng 70’s style na bungalow house. Ang kaibigan rin kasi ang tumulong na mag-disenyo ng kaniyang restaurant kaya tiwala na siya sa kakayanan nito.

Bawat sulok ng kaniyang bahay mayroong iba’t ibang inspirasyon kagaya na lang ng sala set na halos kagaya sa isang Paris hotel ang setup. Hangga’t maari ay minimalist designs ang gusto ni Marvin ngunit hindi pa rin mawawala sa kaniyang taste ang mga kakaibang painting na gawa ng mga kilalang artists tulad nina Djer Paras at Budji Layug.

Source: Marvin Agustin

Samantala, mayroon ding swimming pool sa dream house ng dating aktor at hindi ito pangkaraniwan dahil mayroon itong tinatawag na “color-logic pool system” na siyang dahilan kung bakit kaya nitong magpalit-palit ng hanggang limang kulay.

Source: Marvin Agustin

Sa kabuuan ay masasabing napaka-moderno nga ng bahay ni Marvin Agustin at kapag nasa loob ka nito ay para ka na ring nakatira sa isang 5-star hotel dahil ang mga gamit at furniture arrangements ay talaga namang nakakamangha. Hindi nga nabigo ang aktor sa kaniya plano dahil noon pa man ay gusto na niyang magkaroon ng Italian-inspired at dalawang palapag na bahay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Personal Assistant Ni Sam Milby Na Kasama Niya Sa Loob Ng Mahigit 12 Years

Kilalanin Ang Kapatid Ni Ivana Alawi Na Kagaya Niya Ay S€ksi Rin At Maganda