in

LoveLove CuteCute

Kilalanin Ang Personal Assistant Ni Sam Milby Na Kasama Niya Sa Loob Ng Mahigit 12 Years

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagkakaraon ng isang taong makakasama natin at mapagkakatiwalaan ay talaga namang isang biyaya ng buhay. Sila yung mga tao na kahit hindi natin kadugo ay maituturing na para ng pamilya dahil sa pagpapahalaga na ipinapadama nila sa atin. Hindi madaling makahanap ng ganitong klase ng tao kaya naman ganoon nalang ang pagpapasalamat ng aktor at singer na si Sam Milby dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para makilala ang isang assistant na talaga namang all-out ang serbisyo sa kaniya.

Source: Nene Instagram

Ito ay walang iba kundi si Nene Limosnero na kasama na niya kahit noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Ayon sa aktor sobrang swerte niya dahil si Nene ang naging personal assistant niya. Ito ay dahil sa pagiging maalaga nito at talaga namang ipinagtatanggol pa siya kung kinakailangan. Nakitaan niya rin si Nene ng kasipagan at hindi nito alintana ang pagod sa tuwing sasama siya sa set ng mga taping.

Source: Nene Instagram

“I got lucky from the start. My assistant for over 12 years na, I couldn’t ask for someone better. Napakahusay, maalaga, #1 defender.”, banggit ni Sam na talagang proud na proud kay Nene.

Source: Nene Instagram

Sa katunayan, lagi niyang sinasama ang assistant kahit saan siya pumunta at kahit sa mga interviews ay hindi siya nahihiyang banggitin ang pangalan nito at talagang ipinapakilala pa sa publiko. Hindi nga pangkaraniwan ang tingin ni Sam kay Nene dahil itinuturing na niya itong parte ng kaniyang pamilya.

Source: Nene Instagram

Samantala, wala na ring plano si Nene na iwanan ang aktor at para sa kaniya ang pagtatrabaho para kay Sam ay isang malaking prebilihiyo at karangalan. Dahil nga dito ay mas lalo niyang pinagbubuti ang kaniyang ginagawa at sinisiguradong naalagaan niya ang aktor. All-out din ang suporta niya sa relasyon ni Sam at ng dating Miss Universe na si Ms. Catriona Gray. Marami na ring pagkakataon na ipinapagtanggol niya ang dalawa sa social media.

Source: Nene Instagram

Tunay ngang kapag ginagawa natin ng maayos ang ating trabaho ay tiyak na aani tayo ng pagpapala kagaya nalang ni Nene na nakitaan ni Sam ng magandang pag-uugali.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jestoni Alarcon Matinee Idol Simula 80’s Hanggang Ngayon!

Modern-Looking Bungalow House Ng Aktor Na Si Marvin Agustin Agaw-Pansin Sa Mga Netizens