in

Jestoni Alarcon Matinee Idol Simula 80’s Hanggang Ngayon!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Meztizo at mukhang Amerikano ang madalas na maging bansag ng tao sa matinee idol at action star na si Anthony Jesus Alarcon o mas kilala sa screen name na “Jestoni Alarcon”.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Binata pa lang kasi ay bumibida na siya sa iba’t ibang pelikula at talaga namang kinagigiliwan ng publiko hindi lang sa angking galing sa pag-arte kundi dahil na rin sa matipuno at magandang pangangatawan nito. Sa edad nga na 16-taong gulang ay tinagurian siya bilang isa sa mga showbiz hunk at inaabangan ng mga kababaihan ang bawat pelikula na ginagawa niya.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Sunod-sunod ang mga proyekto na natanggap ni Jestoni at talaga namang nakilala agad ang kaniyang pangalan sa industriya ng show business. Sa katunayan, makalipas ang ilang dekada ay hindi pa rin siya nalilimutan ng mga tao lalong-lalo na ang kaniyang mga loyal supporters.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Sa ngayon ay 57-taong gulang na si Jestoni ngunit masasabing parang halos walang pinagbago sa kaniyang panlabas na anyo. Malakas at matikas pa rin ang pangangatawan nito at hindi kumukupas ang kagwapuhan.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

“I do exercises. I eat the right food na tama sa katawan, yung healthy food and at the same time, yung social din with friends, bonding time with the family. So kailangan kumpleto eh. Kailangan balance ang takbo ng buhay.”, pagbabahagi ng dating aktor nang tanungin kung ano ang kaniyang sikreto.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Samantala, sa kabila ng kasikatan sa showbiz ay mas pinili ni Jestoni na tumigil sa pag-aartista para mabigyang daan ang kagustuhan na makapaglingkod sa bayan.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Hindi naman siya nabigo dahil nanalo siya bilang Councilor ng Antipolo at naging Vice Governor pa ng Rizal Province. Sa lahat ng ito ay kasama niya ang kaniyang butihing asawa na si Lizzette Alarcon na talaga namang todo suporta sa lahat ng kaniyang mga plano.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Hanggang ngayon ay matatag ang pagsasama ng dalawa kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na mapa-sana all lalo na at bihira sa mga showbiz partners ang nagtatagal na relasyon. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng tatlong anak na ngayon ay mayroon na ring kani-kaniyang trabaho at ang isa nga sa mga ito ay talent na rin ng Kapuso network.

Source: Jestoni Alarcon Instagram

Talaga namang tumatak na ang pangalang Jestoni Alarcon sa publiko hindi lang dahil sa angkin niyang galing sa paggawa ng mga pelikula kundi pati na rin sa pagiging huwarang ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Ang Buhay Ngayon Ng Isa Sa Pinakamagaling Na Kontrabida Noon Na Si Dindo Arroyo

Kilalanin Ang Personal Assistant Ni Sam Milby Na Kasama Niya Sa Loob Ng Mahigit 12 Years