in

Scarlet Snow Belo, Pinahanga Ang Lahat Dahil Sa Kanyang Murang Edad Ay Nagpakita Na Ng Malasakit Sa Kapwa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat bata ay mayroong kani-kaniyang katangian na talaga namang kinagigiliwan ng mga nakatatanda. Nariyan ang pagiging malikot, palangiti o di kaya naman ay kakaibang mga talento na sabi nga nila ay nakakatanggal ng pagod. Samantala mayroon ding katangian ang mga bata na namamana nila sa mga magulang lalo na at madalas nila itong makita habang lumalaki.

Source: Scarlet Snow Instagram

Isa na ngang halimbawa dito ang celebrity baby na si Scarlet Snow Belo. Bata pa lang ay talaga namang nasubaybayan ng mga netizens ang buhay niya at marami ang naaliw sa mga katangian na kaniyang ipinamalas. Bibong bata kasi si Scarlet at mabilis itong matuto sa mga bagong bagay na itinuturo sa kaniya ng kaniyang Mommy na si Dra. Vicky Belo.

Source: Scarlet Snow Instagram

Sa mga uploaded video ay makikita na kayang-kaya niyang kumanta at magiliw rin sa pagsayaw. Isa pa sa mga napansin ng publiko ay ang pagkakaroon niya ng confidence lalo na sa pagharap sa camera.

Source: Scarlet Snow Instagram

Ngunit ang talaga namang hinangaan ng mga tao ay ang pagkakaroon nito ng malasakit sa kapwa. Noong nakaraang taon kasi ay naging abala rin si Scarlet sa paghahanda para sa Noche Buena Package na ipapamahagi nila sa kanilang 500 empleyado at iba pang tao malapit sa kanilang village. Tuwang-tuwa siya habang tumutulong sa pagbabalot at talagang sumama pa sa kaniyang Mommy para personal na iabot ang regalo sa mga tao.

Source: Scarlet Snow Instagram

Pati mga security guards sa compound ay nabigyan din ng maagang pamasko at abot-tenga ang kanilang ngiti hindi lang dahil sa natanggap na regalo kundi dahil na rin sa napaka-cute na si Scarlet na may baon-baon pang jokes. Kahit nga mga netizens ay aliw na aliw sa panonood ng vlogs at talaga namang hinangaan ang celebrity baby sa pagkakaroon nito ng magandang pag-uugali.

Source: Scarlet Snow Instagram

Sadyang ang mga bata ay mabilis na matuto at tayong mga nakatatanda ang ginagawa nilang idolo. Kaya naman, dapat lang na maging maingat tayo at maging magandang halimbawa para sa mga kabataan kagaya nalang ng ginawa ng mag-asawang sina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Kapatid Ni Coco Martin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media At Hindi Rin Pinalagpas Ang Pag-aartista!

Mga Netizens Nawind@ng Sa Bonggang Sasakyan Ni Maja Salvador Papunta Ng Trabaho!