in

Mga Netizens Nawind@ng Sa Bonggang Sasakyan Ni Maja Salvador Papunta Ng Trabaho!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa bawat destinasyon na kailangan nating puntahan, mahalaga na pumuli tayo ng angkop na sasakyan upang masiguro na maayos at ligtas tayong makakarating sa ating patutunguhan. Ngunit sa dinami-dami nga ng uri ng mga sasakyan na ginagamit ng ilan nating kababayan ay hindi pa rin maiwasan na magkaroon ng aberya sa daan na siyang nagiging dahilan para ma-late sa trabaho o di kaya naman ay ma-delay ang lakad. Minsan kasi sobrang haba ng traffic at siksikan rin sa mga train na siyang inaasahan ng marami para mabilis na maka-byahe.

Kaugnay nito, kamakailan lang ay nawindang ang social media matapos ibahagi ng aktres na si Maja Salvador ang ilang larawan kung saan makikitang nasa tapat siya ng isang helicopter at may caption itong “Off to work”.

Source: Maja Salvador Instagram

Ang simpleng pahayag ng aktres ay nagdulot kaagad ng usap-usapan sa social media at talaga namang napa-sana all nalang ang marami dahil hindi biro ang mag-rent ng ganitong uri ng sasakyan lalo na ang bumili ng isa para sa sarili.

Source: Maja Salvador Instagram

Hindi dito natigil ang aktres dahil mas pinasaya niya pa ang mga taga-suporta sa pagbabahagi niya ng ilang short video clips kung saan makikita siyang nasa loob ng helicopter at enjoy na enjoy sa kaniyang “hassle-free” na byahe. Tuwang-tuwa nga ito na makita ang ganda ng buong paligid mula sa alapaap.

Source: Maja Salvador Instagram

May ilang netizen naman ang nakapansin sa nakasulat sa damit ng aktres na “Sporty & Rich”. Ayon sa kanila angkop na angkop ang OOTD para kay Maja dahil ang angas ng kaniyang sasakyan papuntang trabaho at tanging mayayaman lang kagaya niya ang may kayang maka-afford nito. Mayroon din namang nagsabi na ka-level na nito si Kuya Will at baka naman pwede siyang mamigay ng jacket.

Source: Maja Salvador Instagram

Samantala, marami rin ang nagtatanong kung sino nga ba ang kasama ng aktres sa kaniyang “hassle-free-travel off to work”?

Source: Maja Salvador Instagram

Talaga namang laging mayroong solusyon sa bawat isyu na kinakaharap natin sa buhay tulad nalang ni Maja na nakahanap ng paraan para maiwasan ang delay papunta sa trabaho. Ikaw, anong say mo dito?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Scarlet Snow Belo, Pinahanga Ang Lahat Dahil Sa Kanyang Murang Edad Ay Nagpakita Na Ng Malasakit Sa Kapwa

Alamin Ang Buhay Ngayon Ng Isa Sa Pinakamagaling Na Kontrabida Noon Na Si Dindo Arroyo