in ,

LoveLove

Kilalanin Ang Kapatid Ni Coco Martin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media At Hindi Rin Pinalagpas Ang Pag-aartista!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagdating sa angking karisma at kagwapuhan ay siguradong hindi magpapahuli ang action star ng bayan ngayon na si Rodel Pacheco Nacianceno o mas kilala sa screen name na si Coco Martin. Halos hindi na rin mabilang ang mga parangal na natanggap niya sa industriya ng showbiz dahil sa galing nito sa pag-arte at magandang impluwensiya sa publiko.

Source: Ronwaldo Martin Instagram

Noon pa man ay kinakitaan na si Coco ng potential para maging artista ngunit hindi naging madali ang lahat para sa kaniya. Nag-umpisa siya sa maliliit na roles hanggang sa bumida sa mga Indie Films. Aminado ang aktor na doon mas nahasa ang kaniyang talento sa pag-arte at lubos ngang nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya para maabot ang kaniyang mga pangarap.

Source: Ronwaldo Martin Instagram

Sa ngayon ay hindi lang naging magandang impluwensiya si Coco sa mga tao dahil ang mismong kapatid niya na si Ronwaldo ay na-inspire din sa kaniyang kwento at ngayon nga ay nagsisimula na rin itong gumawa ng sariling pangalan sa showbiz.

Samantala, naging mainit ang pagtanggap ng mga netizens kay Ronwaldo at agad nga itong nag-trending sa social media. Marami rin ang nakapansin sa kaniyang angking kagwapuhan lalo na ang magaganda nitong mata na kagaya ng kaniyang kuya.

Source: Ronwaldo Martin Instagram

Hindi rin maikakaila na mayroon siyang natural na talento sa pag-arte kaya naman hindi naging mahirap na mabigyan siya ng mga bagong projects. Sa katunayan, napabilang rin siya sa primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan nakasama niya ang kaniyang kuya at nagkaroon ng pagkakataon para makilala ang ibang mga showbiz personalities.

Source: Ronwaldo Martin Instagram

Maliban sa pag-aartista ay nagiging social media influencer na rin si Ronwaldo at mayroon na siyang mga fans na talaga namang all-out support sa kaniyang mga ginagawa. Samantala, ang payo lang sa kaniya ng kuya na si Coco Martin ay maging masipag ito sa pagtatrabaho at talagang magsimula sa paggawa ng mga Indie Films dahil doon masusubukan ang kaniyang galing at mas lalo pang mahahasa ang talento.

Source: Ronwaldo Martin Instagram

Talaga namang kakaiba rin ang taglay na karisma ni Ronwaldo kaya naman marami ang nagtatanong kung single pa ba ito or taken na. Ano sa palagay niyo?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Toni Fowler, Ipinasilip Ang Kaniyang Mala-Palasyong Bahay!

Scarlet Snow Belo, Pinahanga Ang Lahat Dahil Sa Kanyang Murang Edad Ay Nagpakita Na Ng Malasakit Sa Kapwa