in ,

Toni Fowler, Ipinasilip Ang Kaniyang Mala-Palasyong Bahay!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa ang pagkakaroon ng sariling bahay sa mga pangarap na gusto nating maabot hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa buong pamilya. Ganito nga ang gustong mangyari ng vlogger na si Toni Fowler dahil noon pa man ay nagsisiksikan na silang mag-anak sa maliit na espasyo at wala ring permanenteng tirahan.

Source: Toni Fowler Instagram

Kaya naman nang magkaroon ng ipon dahil sa pagiging influencer ay sinigurado ni Toni na engrande ang bahay na ibibigay niya sa kaniyang pamilya. Hindi nga siya nabigo at masayang sinalubong ang bagong taon sa paglipat nila sa bagong tirahan na tinawag niyang “Toro de Palacio”. Ayon kay Toni, “Toro” ang ginamit nilang pangalan dahil para silang mga toro noon na magugulo dahil nagsisiksikan lang sa maliit na espasyo.

Source: Toni Fowler Instagram

Kulay puti ang napiling pintura ng vlogger para sa loob at labas ng bahay at pula naman ang kulay ng bubong nito. Kapansin-pansin rin ang malawak na garahe sa tapat ng kanilang pinto na para bang nagmukha na itong parking area.

Source: Toni Fowler Instagram

Bago pumasok sa bahay ay sasalubong sayo ang naglalakihang poste at mataas na pinto. Samantala, sa loob naman ay bubungad ang isang napakataas na hangdan na nagdudugtong papunta sa second floor.

Source: Toni Fowler Instagram

Sa ngayon ay hindi pa gaanong nalalagyan ni Toni ng gamit ang loob ng bahay nila dahil halos kalilipat lang nila dito. Isang sala set at dining area ang makikita sa first floor at plano niya ring maglagay ng billiards dito para mayroong maging libangan ang mga bisita.

Source: Toni Fowler Instagram

Hindi rin mawawala ang swimming pool sa loob ng bahay nila at nagmukha itong paliguan ng prinsesa dahil sa mga disenyong ginamit. High ceiling din ang “Toro de Palacio” at malalaki ang mga ginamit na bintana dahil gusto ni Toni na nasisinagan ng liwanag ang loob ng bahay. Mayroon ding mga aircons sa loob para masiguradong hindi pagpapawisan ang mga bisita.

Source: Toni Fowler Instagram

Sa sobrang lawak ng lugar, mayroon pa silang hiwalay na espasyo sa likod para gawing gym area. Isa ito sa mga paboritong lugar ng Mommy vlogger dahil open area ito at talaga namang maaliwalas at maganda ang tanawin.

Source: Toni Fowler Instagram

Talaga namang mala-palasyo ang bahay ni Toni Fowler at pasilip pa lang ito sa kabuuang laki ng nabili niyang property. Isa na namang patunay na kapag mayroong sipag at tiyaga, hindi imposibleng maabot natin ang ating mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mister, Nagulat Ng Hindi Na Niya FB Friend Ang Kanyang Misis, Ang Nakakatuwang Dahilan Alamin Dito

Kilalanin Ang Kapatid Ni Coco Martin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media At Hindi Rin Pinalagpas Ang Pag-aartista!