in ,

Morissette Amon At Fiance Nito Na Si Dave Lamar, Kasal Na!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Inanunsyo na nila Morissette Amon at Dave Lamar sa publiko na sila ay kasal na ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay Morissette, hindi naging madali para sa kanila na ilihim na muna ang kanilang balak na pagpapakasal.

Source: Morissette Instagram

Nitong January 28, laking galak nito ng sa wakas ay ibinahagi na niya ang mga wedding photos sa kanilang mga fans at ipinost ito sa kanyang Intragram account.

“We are so happy to finally officially announce that we are married! It was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we’re finally free!” Amon told fans. “What a ride it’s been, [Dave Lamar]! To the stars and the moon, I love you my husband!”

Source: Morissette Instagram

Ipinasilip na rin ng mag asawa ang videos ng special na araw ng kanilang kasal sa YouTube page ni Morissette. Naifeature pa dito ang pagkanta ng isang awiting sila mismo ang nagsulat.

Inulan ng mga congratulatory messages ang bagong kasal galing sa mga malalapit nitong kaibigan at ibang personalidad sa industriya ng musika at showbiz. Maging mga fans at netizens ay nagpadala rin ng mensahe sa kanila.

Source: Morissette Instagram

Hindi rin nagpahuli sa mensahe and kanyang fiancé (Dave Lamar) na ngayon ay kaniyang asawa na. Ipinahayag ni Dave ang kanyang pagmamahal sa singer:

“The journey has been incredible. I am so overwhelmed and blessed that God [led] me to my true north, my best friend, and now my wife! I love you, [Morissette].”

Source: Morissette Instagram

Noong Disyembre 2020 nang inanunsyo ni Morissette ang engagement nila ni Dave. Si Lamar ay first love ng singer at binansagan niya nitong “answered prayer”.

Ang kasalan ay naganap sa The Old Grove Farmstead sa Batangas. Hindi naging alintana ang ulan sa araw na iyon, masayang naglakad sina Morissette sa kanyang white off-shoulder gown at si Dave sa kanyang gray suit na parehong gawa ni Michael Leyva.

Source: Morissette Instagram

Matatandaan na nagkaroon ng conflict si Morissette sa kaniyang pamilya noong nalaman ng kanyang amang si Amay Amon ang pakikipag live-in nito sa kanyang boyfriend.

Nagresulta ito ng hindi pagkakaunawaan ng kanilang pamilya. Samantala, iniwan ni Morisette ang kanyang savings sa kaniyang pamilya na nagkakahalaga ng halos 30 Milyong piso at tuluyan na umanong sumama ang singer sa kanyang boyfriend.

Source: Morissette Instagram

Ito kaya ang maaring naging dahilan kung bakit ay matagal nilang inilihim ang kanilang kasal?

Ang Nice Print Photography na official photographer sa kasal ng mga singer ay ibinahagi na rin ang ilang litrato sa kanilang official page.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Matteo Guidicelli, May Kakaibang Ice Bath Routine Tuwing Pagkatapos Nito Magwork-out

Allan K At Ahron Villena, Umamin Na Sa Totoong Estado Ng Kanilang Relasyon!