in ,

LoveLove

Katrina Halili, Single Pa Rin Pero Nanatiling Blooming!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ilang dekada na rin ang nakalilipas simula nang makilala si Katrina Halili sa mundo ng show business at hindi man nito nasungkit ang pagkapanalo sa sinalihang reality show ay kakaibang suporta naman ang ipinakita sa kaniya ng mga fans.

Source: Katrina Halili Instagram

Dahil nga dito ay dumami ang kaniyang mga projects at nabigyan ng pagkakataon para maipakita ang angkin niyang talento sa pag-arte. Sa katunayan, marami ang humahanga sa kaniya hindi lang sa kaniyang taglay na ganda ngunit higit sa lahat ay dahil sa kakaibang galing nito sa pagganap ng mga kontrabida roles na talaga namang kinaiinisan ng mga televiewers.

Source: Katrina Halili Instagram

Simula noon ay sunod-sunod na ang mga blessings na natanggap ng aktres at hindi rin maikakaila na maraming kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Ngunit sa kabila ng mga tagumpay ay hindi pa rin maiwasan ang mga kontrobersiya sa buhay ni Katrina at ito ang isa sa mga dahilan para unti-unti rin siyang mawala sa showbiz.

Source: Katrina Halili Instagram

Nagkaroon din siya ng anak na babae sa singer na si Kris Lawrence at simula ng maghiwalay ang dalawa ay hindi na muna pumasok si Katrina sa anumang relasyon. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagpapalaki sa kaniyang anak na si Katie at muling inayos ang sarili para makabalik sa trabaho. Samantala, sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan sa dating kasintahan ay nagkaroon sila ng pagkakataon para makapag-ayos kaya naman malaya ng nakikita ni Katie ang kaniyang Daddy.

Source: Katrina Halili Instagram

Sa ngayon ay maraming netizens ang nakapansin na talaga namang blooming na blooming ang aktres at tila ba wala itong pinagdaanang mga problema. Ang tanong pa nga ng ilan ay baka mayroon na ngang nagpapatibok sa puso ni Katrina kaya naman ganoon nalang kaganda ang kaniyang awra. Ngunit sinigurado ng 35-taong gulang na aktres na wala pa sa plano niya ngayon ang muling pumasok sa relasyon dahil ang priority niya ay ang pag-aalaga sa kaniyang anak pati na rin ang kaniyang trabaho bilang isang artista.

Source: Katrina Halili Instagram

Talaga namang hindi kailangan ng isang kasintahan para masabing blooming ang isang babae. Ang tunay na pagmamahal sa sarili ay sapat na para gumanda ang kanilang awra. Sang-ayon ba kayo dun?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lalaking Umorder Ng Pustiso Online Kinatuwaan Ng Netizens Dahil Sa Abot Langit Nitong Ngiti

3,500 Na Puhunan, Napalago Ng Isang Single Mom Na Umabot Ng 3.4 Million Pesos Sa Loob Lamang Ng Isang Taon