in

3,500 Na Puhunan, Napalago Ng Isang Single Mom Na Umabot Ng 3.4 Million Pesos Sa Loob Lamang Ng Isang Taon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Malaking hamon para sa ating mga Pilipino kung paano maitatawid ang araw-araw sa gitna ng kinakaharap nating Kris!s. Ngunit likas sa ating mga Pinoy ang maging madiskarte sa buhay. Naging patok ang pag o-online selling lalo’t higit nitong panahon ng p@ndemya.

Tulad lamang nitong isang single mom, na di-umano’y hirap na makahingi ng sustent0 sa ama ng kanyang anak.

Source: Vannerie Picar

Hindi niya inakala ng Single Mom na si Vannerie Picar na aabot sa higit Tatlong Milyon ang kanyang kinita mula lamang sa kanyang natitirang pera na nagkakahalaga ng tatlong libo at limang daang piso (Php 3,500.00)

Si Vannerie ay isang dating guro, ngunit nagr€sign ito nung nalamang siya ay bunt!s at masel@n ang kanyang pagdadalang tao. Hindi naging madali sa kanya ang puntong ito ng kanyang buhay na ito malaman niyang may ibang babae ang lalaking nakabunt!s sa kanya.

Aniya “Habang buntis ako, muntik nang m@wala skin ang baby ko.”

“Nung iniluwal ko naman siya, pahir@pan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa”

Sinubukan niya ring magtrabaho bilang isang call center agent ngunit hindi rin naging sapat ang kanyang kinikita para masustentuhan ang mga pang araw araw na pangangailangan nilang mag-ina.

Naisipan niyang pasukin ang industriya ng online selling mula sa kanyang natitirang hawak na puhunan na 3,500.

Source: Vannerie Picar

Mga skin care products ang naisipan niyang maging linya ng kanyang papasuking negosyo. Ayon kay Vannerie “Dahil madaming gusto magpaganda, skin care yung tingin kong puwede mabenta.

Hindi naging madali sa kanyang maghanap ng mga supplier dahil sa minimum purchase requirement ng mga ito. “Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.”

Source: Vannerie Picar

Dahil kulang ang hawak niyang pera, naghanap siya ng distributor. “After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”

Tulad ng ibang onling sellers, nakaranas din si Vannerie ng mga b0gus buyers at hanggang sa umabot sa punto na pinanghihinaan na siya ng loob at naisipang tumigil nalang.

“Sabi ko noon, tumigil na kaya ako?”

Source: Vannerie Picar

Nakaisip siya ng magandang strategy at minabuting gamitin niya mismo ang mga beauty products na kanyang binibenta at ipinakita kung gaano kaepektibo ang kanyang mga binibentang produkto.

Naging patok ito at ngayong tinatangkilik na ang kanyang mga produkto hanggang sa ngayo’y umabot na ng mahigit 3 Milyong piso ang kanyang kinita.

Source: Vannerie Picar

“Hindi ko inaakala na mararating ko yung PHP3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako.”

“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak.”

Source: Vannerie Picar

Normal lang ang makaranas ng mga pagsubok at kailangan nating pagsikapan ang mga bawat nais nating marating sa buhay. Ayon kay Vannerie “”At kahit anong pagsubok ay huwag tayong susuko.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Katrina Halili, Single Pa Rin Pero Nanatiling Blooming!

Roxanne Barcelo, Ipinakita Na Ang Mukha Ng Kanyang Asawang Foreigner